Rali sa Embassy
July 24, 2008
Sabik na ang lahat para sa aksyon protesta sa emba. Matapos ang mga matagumpay na mga walk-out noong nakaraang linggo, iguguhit ng mga kabataan ang pagsusuring ang krisis sa kasalukuyan ay dulot ng patuloy na kawalan ng tunay na kalayaan ng bayan at paghahari ng dayuhang imperyalismo.
Sininsin ang plano. Saan ang kitaan, aling kalsada ang dadaan, sino ang maghuhuhudyat. Lightning rali ang kondukta, as usual, dahil hindi naman talaga papayagang malapitan ang gate ng embahada ng among gubyernong US.
Nagkitaan sa malayo-layong lugar. 10 minutes kakasa na. Tumatawag ang mga kaibigan sa midya: “Marami nang pulis dito, pre.”
Naku. Bumukol na. Medyo na late ang mga kasama. Nakatunog na ang mga pulis na mas mabilis pag sa rali ang responde kesa pag may krimen.
Pero syempre wala nang atrasan. Magkakakilala na ang mga mukhang nasa loob ng McDonalds, sinusubukang mag-iwasan ng tingin pero halata namang may gagawin na magkakasama. Kita sa mga mukha na kabado ang mga tao, pero determinado.
27th July 2008 | Filed under: Features | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed
Related Posts:
Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41
