Kasinungalingan sa VAT
Diretsuhin na nating supalpalin ang mga kasinungalingan ni Arroyo hinggil sa salot nyang pakana na Value Added Tax sa binanggit noong State of the Nation Address.
Kalakhan daw ng sinisingil ng VAT ay mayayaman at di mahihirap ang apektado
KaSONAngalingan:
“Kapag ibinasura ang VAT sa langis at kuryente, ang mas makikinabang ay ang mga may kaya na kumukonsumo ng 84% ng langis at 90% ng kuryente habang mas masasaktan ang mahihirap na mawawalan ng P80 billion para sa mga programang pinopondohan ngayon ng VAT.”
Ang totoo:
Kahit sa datos ng gubyerno, makikitang mahihirap ang nagbabayad ng 90% na VAT sa kuryente.
Tignan ang artikulong ito na ang tinungtungan ay mismong datos ng Department of Energy (DOE).
Bumabalik din sa taumbayan ang “Katas ng VAT” sa porma ng mga subsidyo
KaSONAngalingan:
“Patuloy na gagamitin ng pamahalaan ang lumalago nating yaman upang tulungan ang mga pamilyang naghihirap sa taas ng bilihin at hampas ng bagyo, habang nagpupundar upang sanggahan ang bayan sa mga krisis sa hinaharap.
Take away VAT and we strip our people of the means to ride out the world food and energy crisis.”
Ang totoo:
Katiting lang ng kinokolekta ang totoong bumabalik sa mamamayan.
Total na halaga ng mga sinasabing ipinamahaging subsidy = P8-10 billion
Total na halaga ng nakulekta sa VAT sa kuryente at langis = P80 billion
Tinatayang total na halagang nakolekta sa VAT = P135 billion
Di malayong mas malaki ang kinakatas sa taumbayan kaysa ang mga subsidyong sinasabing ipinamamahagi ng gubyerno.
Pinakamainam na halimbawa ang sa sinasabing subsidyo sa “lifeline users” ng kuryente:
Subsidy sa “lifeline users” = P852 million o tig-P500 kada konsyumer
Aktwal na nakolekta mula sa VAT ng “lifeline users” = P1.8 billion
Ibig sabihin, sa totoo lang, ninakawan pa ang “lifeline users” ng halos P1 billion!
Dapat panatilihin ang VAT para masalba ang taumbayan sa krisis
KaSONAngalingan:
“Take VAT away and you and I abdicate our responsibility as leaders and pull the rug from under our present and future progress, which may be compromised by the global crisis.”
Ang totoo:
Ninanakawan na tayo, binobola pa, ni Arroyo!
Ang VAT ay todo-todong pagnanakaw na ginagawa ni Arroyo sa taumbayan para paligayahin ang mga dayuhang bangko at para makapangurakot pa ng husto.
Magpapaloko pa ba tayo?
VAT at Gloria! Ibasura!
7th August 2008 | Filed under: Top Post | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed
Related Posts:
Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41