NEC Memo on the LFS Anniversary
Hinggil sa ika-31 na anibersaryo ng LFS
Download in Anniversary Memo in .pdf
Setyembre 1, 2008
Pambansang Komiteng Tagapagpaganap
Pinakamainit na pagbati sa lahat ng mga kasapi, mga lider ng mga balangay, mga kaibigan at tagapagtaguyod.
Sa darating pong Setyembre 11, 2008, ipagdiriwang ng League of Filipino Students (LFS) ang ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag. At siyempre, inaasahang ipagdiriwang ng mga kasapi, kaibigan, tagasuporta at ng kabataan at mag-aaral sa buong bayan ang mahalagang araw na ito.
Marapat na sa buong buwan ng Setyembre, ilunsad natin ang mga aktibidad na makagpapataas at makakapgpahigpit ng pag-unawa ng mga kasapi at masang kabataan sa oryentasyon, kasaysayan at halaga ng LFS at ng progreibong kilusang kabataang estudyante.
Kailangang itaas ang pag-unawa ng mga kabataan sa pambansa demokratikong programa at paninindigan bilang landas na dapat tahakin ng bawat kabataang nagnanais ng pagbabago sa kasalukuyang bulok na lipunan.
Dapat nating higit na palakasin at ilatag sa mas maraming mga paaralan ang ating mga balangay at palawakin ang ating mga kasapian. Gayundin, dapat sanayin ang mas maraming mga lider balangay at itaas ang kanilang kakayanang pamunuan ang mga balangay ng LFS.
Ang tema natin para sa taong ito ay:
Atin ang Lakas, Tayo ang Pag-asa!
31 taon ng pakikipagkapit-bisig sa batayang masa at pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka
Tinutungtungan ng tema ang pagtukoy sa kabataan bilang “pag-asa ng bayan” ngunit pinaninindigan na ito ay mangyayari sa pamamagitan lamang ng pagtitiwala sa lakas ng sama-samang pagkilos, pakikipagkapit-bisig sa batayang masa at pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka.
Inaasahan ang lahat ng mga balangay na magsagawa ng kani-kanilang mga aktibidad-pagdiriwang at inaasahan ang higit na mas marami, matatag, konsolidadong organisasyon sa pagtatapos ng buwan ng Setyembre.
Mainam po na tiyakin na ang ating mga aktibidad ay hindi lamang para sa mga relatibong abanteng seksyon ng ating kasapian kundi dapat ay makapanghihikayat sa kalakhan ng masang mag-aaral. Ilan sa mga maaaring gawin sa mga paaralan ay ang mga photo exhibit, medical o relief mission, debate, speech o essay writing competition, clean-up drive, leadership seminars at training, exposure trips, fora hinggil sa youth movement.
Syempre inaasahan na maglulunsad ang mga balangay ng mga martsa-rali, aksyong protesta, pangkulturang mga pagtatangahal, at iba pa.
Marapat din pong ialay ang mga pagdiriwang sa lahat ng ating mga bayaning martir sa LFS at sa kilusang
kabataan. Bigyang pagpupugay po natin sila at gawing bahagi ang kanilang mga kapamilya sa mga aktibidad.
Sa pambansa at sa mga balangay sa NCR, ilulusad natin ang isang malaking pagtitipon at produksyong kultural sa darating na Sept 12, n katatangian ng mga pahayag ng mga alumni, mga awit, play at bidyo. Magkakaroon din ng mga pagsasanay at iba pang mga aktibidad.
Maglalabas po ng bidyo pahayag at mensahe ang pambansang opisina ilang araw bago ang anibersaryo. Inaaasahan din po ang pagbibigay ng pahayag ni Prop. Jose Ma. Sison at mga mensahae ng pakikiisa mula sa iba’t ibang mga organisasyon. Antabayanan po ito at sumubaybay sa ating website sa www.lfs.ph.
Inaasahan po ang masiglang pagtugon ng lahat. Gawin nating makabuluhan at makasaysayan ang ating anibersaryo at tiyakin natin ang higit na malakas na organisasyon na haharap muli ngayong buwan sa mga mas matitinding mga labanan at hamon ng paglikha ng malakas na kilusang masa laban sa bulok na rehimeng US-Arroyo.
Mabuhay ang ika-31 taong anibersaryo ng LFS!
Mabuhay ang pambansa-demokratikong pakikibaka!
Atin ang Lakas, Tayo ang Pag-asa! Kabataan, maglingkod sa masa!
#
1st September 2008 | Filed under: Features, Top Post | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed
Related Posts:
Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41