Joc-joc Bolante Timeline

Download the original attachment

Timeline hinggil sa fertilizer/Joc-Joc Bolante scam

(Mula sa abs-cbnnews.com)

2001—Itinalaga si Jocelyn “Joc-Joc” Bolante bilang undersecretary ng Department of Agriculture nang umupo si Gloria Macapagal-Arroyo bilang pangulo.

Marso 6, 2004- Inilathala sa Philippine Daily Inquirer akusasyon ni Senador Panfilo Lacson na bumili si Arroyo ng boto sa pamamagitan ng pag-apruba sa P728 milyong fertilizer fund para sa mga lokal na opisyal ng gobyerno.

Agosto 25, 2005—Iniulat sa isang episode sa The Probe Team ang pahayag ng mga magsasaka na hindi sila nakatanggap ng mga pataba mula sa pondong inilabas dapat ng DA.

Setyembre 28-29 2005—Ayon sa PCIJ (Philippine Center for Investigative Journalism) special report, bilyon-bilyong pondong para sana sa pataba at agrikultura ay ginamit lamang para sa kampanyang elektoral ni Arroyo.

Oktubre 6, 2005—Inumpisahan ng Senado ang imbestigasyon hinggil sa fertilizer scam.

Oktubre-Disyembre 2005—Hindi dumalo si Bolante sa kahit isang Senate hearing hinggil sa fertilizer scam.

Disyembre 11, 2005—Inimbitahan si Bolante sa Senate hearing ngunit tumakas siya tungong Estados Unidos. Aniya, nasa panganib daw ang kanyang buhay dahil may mga nagtangkang pumatay sa kanya.

Disyembre 13, 2005—Pinatawan ng Senado si Bolante ng contempt at iniutos ang pag-aresto sa kanya.

Pebrero 15, 2006—Sinulatan ng US Embassy sa Maynila si Bolante at ipinarating sa kanyang ang kanyang paso ang kanyang tourist visa at hindi niya ito maaaring gamitin para pumunta sa Amerika.

Marso 1, 2006—Inirekomenda ng Senta Committee on Agriculture na sampahan ng kasong pandarambong (plunder) sina Bolante, dating Agriculture Secretary Luis Lorenso at iba pang mga opisyal ng DA. Tinukoy ng Senado si Bolante bilang ‘utak’ ng naturang scam. Agad na ipinasa ng Senado ng ulat nito sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Marso 20, 2006—Muling sinulatan ng US Embassy si Bolante para sabihing binawi na ang kanyang non-immigrant visa at hindi niya itong maaaring gamitin para lumabas ng bansa.

Hulyo 7, 2006—Inaresto si Bolante ng mga awtoridad ng Los Angeles dahil sa kanyang paggamit ng kinanselang visa.

Hulyo 26, 2006—Naglabas ng pahayag ang New People’s Army na pinasisinungalingan ang mga akusasyon ni Bolante na papatayin daw siya ng mga ito.

Agosto 9, 2006—Nagsampa ng petisyon para sa habeas corpus si Bolante. Aniya, walang batayan ang US para arestuhin at ikulong siya at kinansela raw ang kaniyang visa nang hindi dumaraan sa wastong patakaran.

Setyembre 2006—Inumpisahan ng AMLC ang imbestigasyon matapos iulat ng Philippine National Bank na may ‘12 suspicious transaction reports’ sa kanilang bangko. Inilantad din ng AMLC na naglipat ng P172.6 milyon ang Livelihood Corporation, kampanya kung saan acting chair si Bolante, sa Molugan Foundaiton Inc. at P40 million sa Assembly of Gracious Samaritans Foundation, Inc. (AGS). Napag-alaman din ng AMLC na naglipat din ang Molugan Foundation ng P38 milyon sa AGS.

Pebrero 9, 2007—Ibinasura ng isang korte sa Chicago ang petisyon ni Bolante para sa political asylum. Ayon sa korte, hindi nakapagbigay si Bolante ng sapat na batayan para matakot para sa kanyang buhay at kaligtasan.

Hunyo 25, 2007—Sinang-ayunan ng Board of Immigration Appeals desisyon ng Chicago court.

Hulyo 3, 2008—Naglabas ang Court of Appeals ng 20-araw freeze order sa 70 bank accounts na nakapangalan kay Bolante at iba pang mga personalidad na sangkot sa fertilizer fund.

Hulyo 8, 2008—Inutusan ng CA ang AMLC na magsumite ng karagdagang ebidensyang magpapatunay sa pagkakasangkot ni Bolante sa naturang 70 bank accounts.

Oktubre 22, 2008—Unang umugong ang balita na ide-deport ng US si Bolante at pabalik na siya sa bansa sa mga susunod na araw.

Oktubre 28, 2008 —Lumapag si Bolante sa NAIA at sinalubong ng protesta ng mga grupong anti-Arroyo. Doon nakaabang ang solicitor-general ng Senado para siya’s arestuhin ngunit agad siyang isinakay sa ambulansya at dinala sa St. Luke’s Medical Center kung saan siya naroroon hanggang ngayon.




20th November 2008 | Filed under: Burning Issues | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed

Want our posts delivered to you via email?

Leave a Reply

Follow responses to this entry, click here: RSS 2.0

Spam protection by WP Captcha-Free