Pasko ng Paglaya
Sa panahon ng Pasko, abala ang buong sambayanan sa paghahanda sa taunang Noche Buena.
Pero para sa mga progresibo at rebolusyunaryo, doble ang selebrasyon sa linggong ito. Pagkatapos kasi ng Pasko, papasok naman ang anibersaryo ng muling pagkakatag ng Partido ng rebolusyunaryong kilusan.
Ani ng ilan, ang anibersaryong ito ang pananda na sa dulo man ng pakikibaka at paghihirap ng sambayanan, matutuloy din ang pangarap ng tradisyunal na kantang pamasko – na ‘araw-araw ay maging Pasko lagi’.
Sapagkat ang pangako sa anibersaryong ito ay hindi lamang panandalian pagkalimot sa nagaganap na kahirapan at tunggalian sa lipunan, kundi pangmatagalang pag-unlad ng ekonomiya, pulitika at kultura ng lipunang matagal nang nakasadlak sa aping kalagayan.
At sa ilalim ng ganitong pagbabago, tiyak ang pangmatagalang sagana ng mamamayan, hindi lamang sa panahon ng Pasko.
Ganunpaman, pagbati ng Maligayang Pasko sa lahat!
24th December 2009 | Filed under: News | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed
Want our posts delivered to you via email?
Related Posts:
Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41