LFS Statements on Cris Hugo’s fourth year death anniversary

Ika-19 Marso 2010

Cris Hugo, Tunay na Lingkod ng Kabataang Estudyante, Tunay na Lingkod ng Sambayanan

Ito na nga ang landas na sinuong ni Cris Hugo. Sa panahon ng matindi at papatinding krisis panlipunan, nakita ni Cris ang kahalagahan ng papel ng kabataan sa pagsusulong ng panlipunang pagbabago. Bilang miyembro ng League of Filipino Students, isa si Cris sa maraming kabataan na nangahas na pag-aralan ang lipunan nang labas sa tinuturo sa paaralan; at magmulat, mag-organisa at magpakilos ng kapwa kabataan tungo sa pagkamit ng batayang karapatan ng mamamayan.

Ang landas na ito ay punong-puno ng kontradiskyon, lalo na sa panahong ang kabataan at mamamayan ay lunod sa kabulukan ng kulturang komersyalisado, kolonyal, pasista at elitista. Ngunit gaya na nga ng madalas na sinasabi ng kanyang mga kaibigan at kaanak, ang angking kabutihan at prinsipyong pinanghahawakan ni Cris ang nagtulak sa kanya upang hanapin ang landas tungo sa mas makatarungang kaayusan, tungo sa landas ng paglilingkod.

Mulat si Cris at ang maraming kabataan na ang kapalit ng pagiging kampi ng inaapi ay ang pasulong na pagtunggali sa pinakamalakas na bigwas ng makauring pasismong pinalalaganap ng mga kumokontrol at nagpapanatili sa kasalukuyang kaayusan. Sa kabila ng mga banta sa kanyang seguridad at buhay, walang puknat si Cris sa pag-aalay ng kanyang galing, sipag at talino sa pag-oorganisa sa kanyang kapwa estudyante sa Bicol University.

Ang dagling pagpatay kay Cris ng mga kaaway ng sambayanan ay ang katotohanang kinakaharap ng mamamayan. Ang buhay ni Cris, tulad ng libo-libong mamamayang nagbuwis ng buhay para sa buhay ng mas nakararami, ay ang sulong nagliliwanag sa masalimuot na pakikibaka ng mamamayan.

Sa ating landas patungo sa katarungan ay may mga bulag at walang damdaming kaaway tayong kinakatunggali, ngunit ang buhay ng mga tulad ni Cris ay hindi natatapos sa pagpanaw. Sa bawat bigwas ng kaaway, sa bawat buhay na lumalaban at pinapaslang, ay lalo pang sumisidhi ang pagnanais ng mamamayan na lumikha ng lipunang may kalayaang nakasandig sa panlipunang katarungan.

Si Cris Hugo, tulad ng madaming kabataan at mamamayan, ay walang takot na hinarap ang mga katotohanan ng mas malalaking tunggalian. Sa ikaapat na taon ng pagalala sa buhay ni Cris, buhay ang pakikibaka ng mamamayan. Buhay si Cris sa bawat mamamayang lumalaban.

Ang Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng League of Filipino Students ay nagpapaabot ng pinakamataas na pagpupugay sa dakilang buhay ni Cris Hugo at lahat ng kabataang nagbuwis ng buhay sa paglilingkod sa sambayanan. Tulad nila, ating harapin ang hamon at isulong ang pakikibaka ng mamamayan tungo sa pambansang demokrasya, at sa kalauna’y pagpawi ng mga uri.

League of Filipino Students
Pambansang Komiteng Taga-paganap

——————

Ika-19 Marso 2010

Ang balangay ng League of Filipino Students sa UP Diliman ay nakikiisa sa pagdiriwang ng ika-4 na anibersaryo ng pagka-martir ni Kasamang Cris Hugo.

Pagdiriwang dahil itinuturing natin ang araw na ito, maging ang nakaraang apat na taon bilang panahon kung saan higit nating ipinagdiriwang ang buhay at kamatayan na inilaan ni Cris para sa paglilingkod sa sambayan. Lalo sa gitna ng mapanlinlang na kaligayahang inilalako ng sistemang umiiral sa kasalukuyan, mahirap para sa isang kabataan ang iwan ang “masayang” buhay na kanilang kinalakhan at kinasanayan, at tumungo sa hanay ng masang anakpawis at mabuhay ng kung paano sila nabubuhay (o pinapatay ng mapang-aping sistema).

Hindi namin nakilala si Cris ngunit alam naming nagawa niyang mahusay na pangibabawan ang kung ano mang tunggalian sa sarili na kaniyang kinaharap sa simula ng kaniyang paglahok at hanggang sa gitna ng kaniyang pagkilos. Modelo si Cris para sa lahat ng mga kabataang aktibista, at higit sa kabataan sa pangkalahatan dahil pinili niyang makilahok sa militanteng pagkilos para sa ipaglaban ang ating mga batayang karapatan at isulong ang tunay na kalayaan.

Pagdiriwang din dahil dulot ng pagkamatay ni Cris ay namulat ang higit pang bilang ng mga kabataan, mga mamamayan kabilang ang mga kapamilya at kaibigan ni Cris. Napatunayan ng pangyayaring iyon noong ika 19 ng Marso taong 2006, na hindi paghina kundi lalong paglakas ang dulot ng panunupil ng pasistang estado na ito sa buong kilusang mapagpalaya.

Gaya ng lagi nating sinasabi, sa bawat pagkamatay ay ang daan o libong pagkabuhay. Ito ay katotohanan sa mga susunod pang panahon, hanggang sa ating mapagtagumpayan ang hangarin ng paglaya ng sambayan mula sa pang-aapi at pagsasamantala ng malakolonyal at malapyudal na kaayusan ng ating lipunan.

PAGPUPUGAY KAY KASAMANG CRIS HUGO!
PAGPUPUGAY SA LAHAT NG MARTIR NG SAMBAYANAN!
PAGPUPUGAY SA LAHAT NG NAKIKIBAKA PARA SA TUNAY NA KALAYAAN!

League of Filipino Student
University of the Philippines – Diliman

——————

March 19, 2010

LFS Southern Mindanao Region pays tribute to fallen comrade

Safeguarding the rights of others is the most noble and beautiful end of a human being- Kahlil Gibran

We, from the League of Filipino Students- Southern Mindanao Region, pay revolutionary tribute today to Cris Hugo, a fourth year Journalism student of Bicol University, Grand Chancellor of the Alpha Phi Omega (APO Fraternity) BU Chapter and regional coordinator of LFS, who was brutally murdered by the US-Arroyo regime on the dreadful evening of March 19, 2006.

We take the fascist elements of the Armed Forces of the Philippines and their commander-in-chief Gloria Macapagal-Arroyo responsible for the death of Cris and to the thousands of innocent lives who became victims of different human rights violations.

Today we give our highest salute to the thousands of youth who turned their backs from selfish pursuits and embraced a life in service to the people. Cris taught the youth and the future generations that taking the road of activism is the best and only option for the youth to have a better future.

They may cut our tongues but they cannot silence us. They may shackle our hands but they cannot stop us from raising our fists. They can kill the protester but they cannot kill the protest.

In the Southern Mindanao Region, day after day, the mercenary troops of the 10th Infantry Division sow terror amongst the people on both the urban area and in the countrysides. Taking pride in their artistic acts of terrorism, ranging from illegal detention, torture, enforced disappearances, harassment, filing of fabricated cases, food blockade and summary execution, the fascists brags that they are going to crush the people’s movement. We vow to take all actions to combat all efforts to persecute us and struggle to give justice to the thousand of victims of the Oplan Bantay Laya 2.

As long as injustice is present and as long as the ruling elite sits comfortably on their thrones while the people are hungry, uneducated, unemployed and landless, we vow to strengthen and intensify the movement for genuine change and national liberation.

Hustisya alang kay kaubang Cris Hugo!
Hustisya alang sa tanang biktima sa pulitikanhong pagpamatay!
I-asdang ang pakigbisog alang sa tinuod nga demoraksya ug kalingkawasan!

League of Filipino Students
Southern Mindanao Region

——————

League of Filipino Students – Panay

March 19, 2010

Paghanduraw sang LFS-PANAY sa Ikap-at nga Anibersaryo sang pagkamatay ni Kaupud Cris Hugo

Ginahanduraw guid sang LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS-PANAY ang aton nga kaupud nga si Cris Hugo sa ikap-at nga anibersaryo sang iya pagkamatay sini nga adlaw sa kamot sang pasista kag mapiguson nga Rehimeng US-Arroyo.

Si Kaupud Cris isa guid ka maayu nga lider-estudyante kag aktibista.

Bilang pamatan-on, mas ginpili nya nga ihatag ang iya oras kag kabuhi agud alagaran ang pumuluyo nga ginapigos kag ginahimuslan. Mas ginpili nya ang kabuhi nga upud ang masa nga ginadaug-daog. Waay siya kakapoy sa pag-alagad sa pumuluyo sa paghimakas kag pakigbato sa demokratiko sini nga mga handum. Waay siya natak-an nga updan ang pumuluyo sa paghimakas para sa pungsudnon nga kahilwayan kag demokrasya.

Waay guid sang iban pa nga dapat basulon sa iya nga kamatayon kundi ang sini nga rehimen nga sa malawig na nga tinion wala gatib-ong sa interes sang pumuluyo, tigaylo, nagapanguna sa nagapamigos kag nagatapak sa tawhanun nga kinamatarong sang pumuluyo.

Si Kaupud Cris isa lamang sa mga nilibo nga biktima sa pagtapak sa tawhanun nga kinamatarong. Si Kaupud Cris isa lamang sa mga nilibo nga naghalad sang ila kabuhi para sa rebolusyonaryo nga paghimakas nga magahilway sa pumuluyo sa pagpamigos kag pagpanghimulos.

Sa ikap-at nga anibersaryo sang iya kamatayon, ang iya inubrahan mangin-inspirasyon sa kada isa sa aton nga gapadayon sa pungsudnun nga paghimakas.

Kami sa LFS Panay, biskan waay siya namon makilala guid sang maayo, kami nakahibalo nga ang iya inubrahan mas bug-at sang sa bukid sang Madjaas.

Bangud sang iya sini nga kamatayon, mas ginhatagan kita nga mga nagapadayon sang paghimakas sang kusog nga biskan isa ka batalyon sang armadong pwersa sa sini nga reaksyonaryo nga gobyerno indi guid maka-upang sa handum sang pumuluyo nga kahilwayan kag demokrasya!

Paghanduraw kay Kaupud Cris Hugo!
Paghanduraw sa tanan nga martir sang pumuluyo!
Paghanduraw sa tanan nga mga rebolusyonaryo nga gahimakas para sa pungsudnon nga kahilwayan!

*Ang ini nga mensahe nagahalin sa mga katapo sang League of Filipino Students-Panay (LFS UP Visayas Miag-ao, LFS UP Visayas Iloilo City, LFS University of San Agustin, LFS West Visayas State University)

Share



20th March 2010 | Filed under: Top Post | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed

Want our posts delivered to you via email?

Related Posts:


Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41