Support the LFS National Office

Para sa mga kasapi, alumni at taga-suporta:

Importante sa kahit anong organisasyon, ang pagmamantine ng isang tanggapan. Mas mahalaga pa siguro ito kung ang organisasyon ay gaya ng LFS na pambansa ang saklaw at binubuo ng napakaraming kasapian. Ang mga opisina ay hindi lamang para sa mga officers kundi para sa pagpapa-unald ng buong organisasyon, mga kasapi at mga lider nito. Bagama’t hindi ito dapat maging pangunahin at mapagpasiya sa pagsusulong ng mga plano, hindi rin naman maikakaila na malaki din ang mai-aambag ng isang physical base para sa mahusay na pagpapatupad ng mga plano.

Sa ganang ito ay humihingi ang National Executive Committee (NEC) ng League of Filipino Students ng suporta para sa pagtatayo at pagmamantine ng pambansang tanggapan. Kinakailangan kapwa ang materyal at pinansiyal na suporta para rito. Sa kasalukuyan ay nakiki-opisina ang LFS sa headquarters ng Kabataan Partylist. Layon ng pamunuan na magkaroon ng sariling tanggapan pag dating ng panahon kaya’t kailangang maghanda na para rito liban pa sa kailangan din nitong mag-ambag sa mga gastusin at pangangailangan ng Kabataan Partylist headquarters.

Hindi na kailangan pang diinan ang pangangailangan sa pinansiya. Ito ay i-aambag sa pambayad ng renta at utilities (kuryente, tubig, telepono, LPG at drinking water na hiwalay na binibili dahil may mga nagkasakit noong nakaraan sa pag-inom sa tubig mula sa gripo). dahil luma na rin ang opisina, madalas ding may mga pinapagawa dito.

Ang mga gamit at materyales na kailangan o maaaring ibigay ay ang mga ss:

Pagkain: bigas, tinapay, itlog, de lata, noodles o ano mang maaaring makain, kape, asukal, mantika, asin, toyo, patis, suka etc.
Toiletries at cleaning materials: sabong panligo, shampoo, sabong panlaba, dish washing liquid, sponge, etc.
Office at school supplies: bond paper, newsprint paper, logbook, folder, envelope, permanent at whiteboard marker o ink, mga adhesive tape at dispenser nito, stapler at staple wire, gunting, chalk, lapis, bolpen, cutter, paper cutter, glue
Art supplies: acrylic and textile paint, brush, tela para sa streamer, karton para sa plakard, T-square
Hardware: pliers, long nose, screw driver, martilyo, pako, lagari, alambre
Office furniture: desk, mesa, upuan, sofa, cabinet, shelf, computer table
Office materials: black o white board, cork board, plastic chest, plastic crates, walis, dustpan, basurahan, kurtina
Kitchen: gamit pangluto (kaldero, sandok etc.), kutsilyo at sangkalan, kalan, gamit pangkain (plato at kubyertos etc.)
Bathroom at laundry: timba, tabo, batsa, palanggana, hanger, hose
Bedroom: tulugan (folding bed, banig etc), kumot, unan

Maliban sa naka-lista sa itaas, malugod naming tinatanggap ang ano mang ibibigay ninyong maari pang pakinabangan dahil magkakaroon kami ng rummage sale sa katapusan ng July. May white paper drive din kame para sa paglikom ng dagdag pondo. Pinaka kagyat ang pangangailangan sa mga nasa unang apat na kategorya.

Maaring makipaguganayan sa aming hotline +639283566238 o mag-email sa lfsphilippines@gmail.com

Maraming salamat sa inyong walang sawang pagtulong at pagsuporta.

National Executive Committee
League of Filipino Students

Share



22nd June 2010 | Filed under: Features | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed

Want our posts delivered to you via email?

Related Posts:


Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41