LFS Negros Statement on Ka Ambo’s 4th Year Death Anniversary
Mula sa hanay ng mga aktibista, lider-estudyante at mga kabataang nagsusulong ng pambansang demokratikong pakikibaka dito sa Negros — isang mainit at mapagpalayang pagbati!
Isang makabuluhang pagsaludo at pagpupugay sa pagkamatay ng isang kasama, sa pagkatao ni Ka Ambo, sa pag-aalay niya ng buhay para sa mas malawak na hanay ng mga inaapi, inaalipusta at pinagsasamantalahan. Napakalaking insulto sa ating mga nagsusulong ng DRB na sa kabila ng pinaka tama at pinaka matalas nating linya, ay tayo pa ang dinediklarang kaaway ng estado at malawakang pinapaslang. Ang pagkamatay ni Ka Ambo ay hindi nalalayo sa kalagayan ng mga kabataang-aktibista dito sa pulo ng Negros at sa lahat na mga rehiyon, dahil lahat tayo ay target ng pasistang estado. At malinaw sa atin na hanggang ngayon, hindi pa nabibigyan ng nararapat na hustisya si Ka Ambo at ang lahat na mga kasamahang aktibista na walang-awang pinaslang. Kaya hindi tayo titigil sa paghahanap ng karampatang hustisya saan mang antas ng pakikibaka.
Sa 33 taong pakikibaka ng League of the Filipino Students, marami ng kasamahan, marami ng Ka Ambo ang nagbuwis ng buhay. At sa kabila nito, libo-libo pang Ka Ambo ang magdadala ng nagliliyab na sulo na magbibigay ilaw sa masa, patungong tagumpay.
Ang buhay at dugong inalay ni Ka Ambo ay magsisilbing abono sa pagpapalawak pa, pag-organisa at pagpapakilos para sa Rebolusyon!
MABUHAY SI KA AMBO!
MABUHAY ang lahat na mga martyr ng pambansang demokratikong pakikibaka!
mabuhay ang Kabataang-estudyante!
LFS- Negros
1st August 2010 | Filed under: Features | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed
Related Posts:
Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41