LFS UP Tacloban Statement on Ka Ambo’s 4th Year Death Anniversary
Mula sa LFS balangay UP TACLOBAN, ang pinakamataas na pagpupugay kay Rei Mon
Guran, aktibista at martir ng bayan. Sa ikalawang taon ng paggunita sa kanyang kabayanihan,
ipinaparating namin ang taas noong paggunita sa kanyang kagitingan. Ibinahagi niya ang
kanyang buhay upang pagsilbihan ang masang Pilipino. Sa apat na taon ng pananatili sa loob
ng unibersidad ay inialay niya ang buong oras niya upang pagsilbihan ang malawak na masamg
estudyante, tanda ng pagiging tunay na rebolusyonaryo, ang pagbabahagi ng kanayang buhay
sa masang anakpawis. Kumikilos upang pagsilbihan ang mamamayang Pilipino at palayain tayo
sa daang taong pambubusabos ng estados unidos.
Pinagbabaril siya ng militar, sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Hindi makakalimutan ng
mamamayang Pilipino ang ginawa sa kanya ng militar kasama ang naghaharing uri upang
patuloy na maghasik ng lagim sa sambayanang Pilipino. Patuloy ang pakikibaka ng buong
sambayanan upang makamit ang dalawang taon ng hinihinging katarungan sa ilalim ng bulok
na gubyerno ng Pilipinas. Dahil sa patuloy na pagpapakapapet ng gubyerno sa amerika kaya
nagnyayari ang ganitong mga insidente, sa ilalim ng OBL2 dumami ang mga kaso ng paglabag
sa karapatang pantao kabilang na rito ang biglaang pagkawala ng mga aktibista ng bayan. Sa
daang libong aktibista na inialay ang kanilang buhay upang magsilbi sa sambayanan ay ang
malugod na pagsaludo.
Sa ialalim ng rehimen ni Aqiuno ay ang mga kahilingan ng kongkretong plano upang paigtingin
ang kampanaya laban sa paglabag ng karapatang pantao. Pangunahin dito ang pagbabasura
sa OBL2 na siyang nagiging tuntungan upang ang militar ay pumaslang ng mga aktibista, sa
pakikipagtulungan ng nagahahring uri.
Bilang mga aktibista at rebolusyonaryo ipinaabot namin ang pagsaludo kay AMBO GURAN,
CRIS HUGO , at FARLEY ALCANTARA, at sa kanilang naiwang pamilya, asahan po ninyong
kasama kami sa paghingi ng hustisya sa kanilang kabayanihan. Sampu ng daang libong
aktibista ang pagpupugay sa kanilang magiting na pamumuhay.
IBASURA ANG OPLAN BANTAY LAYA DOS!!!
KATARUNGAN SA MGA BIKTIMA NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO
IBAGSAK ANG IMPERYALISMO!
MABUHAY ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG PAKIKIBAKA
Lfs UP TACLOBAN SECRETARY GENERAL
1st August 2010 | Filed under: Features | Click here to follow any responses to this entry: RSS 2.0 feed
Related Posts:
Fatal error: Call to undefined function similar_posts() in /home/lfs/lfs.ph/wp-content/themes/mimbo2.2/single.php on line 41