Download Here:
1.2M Pirma Laban sa Programang K to 12!
Please also support the online petition: http://www.ipetitions.com/petition/notokto12/
Magkaisa Laban sa Programang K to 12!
Tayo, mga mag-aaral, kabataan, mga guro at administrador, mga magulang, mga organisasyon at indibidwal, ay mahigpit na naninindigan laban sa programang K+12 ni Noynoy Aquino sa mga sumusunod na batayan:
(1) Dagdag dalawang taon, dagdag pahirap sa mga magulang.
Mula sa pag-aaral ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) hindi bababa sa PHP12,000 ang ginagastos ng mga magulang para sa pagpapaaral ng kanilang anak sa bawat taon sa hayskul. Mula ito sa mga karagdagang gastos para sa baon, pamasahe, uniporme, pagkain, projects, at iba. Ang dagdag dalawang taon ay tiyak na dagdag pahirap sa mga mamamayan sa kalagayan na napakahamahal ng batayang serbisyo panlipunan, mga batayang pangangailangan, habang tinalikuran ni Aquino ang daing ng mga mamamayan para sa nakabubuhay na “P125 sahod, across-the-board” nitong Mayo.
(2) K to 12: Edukasyon para sa mura at kontraktwal na lakas-paggawa sa kapakinabangan ng dayuhan.
Naglilikha ang K to 12 ng ilusyon na agad makakakuha ng trabaho ang mga gradweyt nito sa pamamagitan ng paglalako ng kabataan ng technical-vocational na kasanayan. Ngunit, sa kasalukuyan, laganap ang unemployment at underemployment sa ating bansa, pati na rin sa karatig-bayan. Dahil sa kalagayan ng laganap na kawalan ng trabaho, ang mga magtatapos ng K to 12 ay mabibilang sa malaking balon ng murang lakas-paggawa. Sa tindi ng kumpetisyon para sa trabaho, sasamantalahin ito ng mga dayuhan sa pamamagitan ng ibayo pang pagpapababa ng halaga ng sahod at mas laganap na kontraktwalisasyon.
(3) K to 12: Edukasyong nakadisenyo para sa Labor-Export Policy (LEP)
Ang kurikulum ng senior year (o ang dagdag dalawang taon) ay para sa technical-vocational na mga kasanayan. Ito ay mga kasanayan o serbisyo na tiyak para sa pangangailangan ng pandaigdigang merkado. Sa ganitong diwa, tinutulak ng K to12 ang mga kabataan na maging aliping sahuran ng ibang bayan sa pagtalima ni Aquino sa dikta ng dayuhan para sa pag-eksport ng murang lakas-paggawa para huthutan ng kita at sobrang tubo. Pinapatay nito ang diwang nasyunalismo ng mga kabataan na siyang dapat puwersa sa pagtataguyod ng mga pambansang industriya, sa halip, minamaliit ang kanilang papel sa bayan sa usapin na lamang ng pagdadala ng mga remittances sa bansa.
(4) K To 12: Pagpapasahol sa krisis sa edukasyon
Mula sa pinakahuling tala ng ACT, 132,483 ang kakulangan sa mga kaguruan, 97,685 ang tinatayang kakulangan sa mga silid-aralan, at 153,709 ang kakulangan sa mga sanitation facilities ngayong akademikong taon. Nais di-umano solusyunan nito ni Aquino sa pamamagitan ng Public-Private Partnerships (PPP) kung saan pribadong sektor ang magpupuno sa mga kakulangan. Sa madaling salita, nais din ni Aquino padulasin ang pribatisasyon ng edukasyon sa bansa.
Gagawing katwirang ang K to 12 para panipisin ang manipis ng badyet para sa sektor ng edukasyon. Para sa edukasyong pang-kolehiyo pagkakasyahin ang maliit na badyet habang itutulak ang mga mergers o pagsasara ng madaming bilang ng State Colleges and Universities (SUCs); padudulasin din nito ang mas laganap na pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin para makapagpasulpot ng alternatibong pagkukunan ng pondo.


















