League of Filipino Students » Downloads

Pledge Vote Enlistment
Pledgevote enlistment

Share now!

Pledge Vote Enlistment
I-click para madownload ang .pdf kopya ng COMMITMENT

Share now!

Primer on the VFA
I-click para madownload ang .pdf kopya ng COMMITMENT

1. Ano ang Visiting Forces Agreement?

2. Bakit natin tinututulan ang VFA?

3. Ano ang ating kagyat at pangmatagalang mga tungkulin?

Noong Pebrero 11, naglabas ng desisyon ang Korte Sumprema hinggil sa tatlong petisyong inihain nina dating Senador Jovito Salonga at Wigberto Tanada, Bagong Alyansang Makabayan et. al., at ng Subic rape victim na si “Nicole” hinggil sa pananatili ng convicted rapist na si Lance Corporal Daniel Smith sa ilalim ng kustodiya ng Embahada ng Estados Unidos.

Bagama’t ipinag-utos ng korte sa DFA na makipagnegosasyon sa Estados Unidos (EU) para mailagay si Smith sa kustodiya ng Pilipinas, muli naman nitong itinaguyod ang konstitusyunalidad ng Visiting Forces Agreement (VFA). Dagdag pa, ang pag-uutos na bawiin ng Pilipinas ang kustodiya kay Smith ay nasa balangkas ng pagiging labag nito sa VFA,  sa halip na igiit ang awtoridad ng gobyerno sa loob ng teritoryo nito.

Ayon sa mayorya ng korte, nakamit ng VFA ang mga rekisitos para sa isang tratado sa ilalim ng batas ng Pilipinas. Dagdag pa nila, ang VFA, bilang implementasyon ng 1951 Mutual Defense Treaty, ay nagtataglay din ng bisa ng isang tratado. Bagama’t iba raw ang prosesong dinadaanan ng pagpapatibay at pagkilala ng tratado sa ibang bansa tulad ng EU, hindi nito nababawasan ang bisa ng VFA bilang isang kasunduang mahigpit na ipapatupad ng magkabilang panig.

Pero ayon kay Chief Justice Reynato Puno, Associate Justice Antonio Carpio at dalawa pang hindi pumanig sa mayorya ng korte, sablay ang VFA sa pagiging konstitusyonal pagka’t hindi pantay ang pamantayan sa ratipikasyon at pagpapatupad ng VFA sa pagitan ng dalawang bansa. Bagama’t ang VFA ay dumaan sa ratipikasyon ng Senado alinsunod sa Konstitusyon ng Pilipinas, di ito dumaan sa ratipikasyon ng Senado ng EU. Nagbigay lang ng pahayag ang US embassy sa Pilipinas na kinikilala ng EU ang VFA bilang isang tratado. Insulto sa soberanya ng Pilipinas ang ganitong kalagayan, ayon sa minorya.

Ayon naman sa mga abogado ng mga nagpetisyon sa Korte, dapat sanang pinawalang bisa ang VFA upang lalong lumakas ang pusisyon ng Pilipinas sa pagbawi kay Smith.

1. Ano ang Visiting Forces Agreement?

Ang VFA ay isang kasunduan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at EU na naglalayong ipagpatuloy ang “pagtutulungang pang-militar” ng dalawang bansa. Naipasa ito noong Mayo 1999 sa ilalim ng papet na rehimeng Estrada sa gitna ng matinding protesta ng mamamayan. Ito ay isang solusyon sa pagkaudlot ng pananatili ng mga tropang  amerikano noong 1991 dahil sa malawakang protesta ng mamamayan na dumulo sa pagbabasura ng Senado ng Pilipinas sa pagpapalawig ng pananatili ng mga base militar ng EU sa Pilipinas.

Ang VFA ay isa lamang sa maraming di-pantay na kasunduan at tratado sa pagitan ng reaksyunaryong gobyerno ng Pilipinas at imperyalistang EU matapos ibigay ng huli ang huwad na “kalayaan” ng nauna noong 1946. Bahagi ito ng patuloy na pangangailangan ng US na panatilihin ang pwersa’t presensya nito sa rehiyon ng Timog Silangang Asya. Kailangan din ito ng US para manghimasok sa internal na usapin ng Pilipinas, lalo na laban sa mga pwersang kontra sa impreyalistang interes.

2. Bakit natin tinututulan ang VFA?

a. Lumalabag ito sa pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas. Ang VFA ay nagpapahintulot sa interbensyon ng US sa Pilipinas. Layon nito na panghimasukan ng US ang mga internal na usapin ng bansa gaya ng pakikibaka ng mamayang Moro para sa pagpapasya sa sarili at ng rebolusyunaryong kilusan para sa pambansang demokrasya dahil pangunahing layunin ng mga kilusang  ito ang pagtanggal ng dominasyon ng US sa bansa.

Itinatali din ng VFA ang Pilipinas sa US sa pamamagitan ng mga ayudang militar. Kabilang dito ang counter-terrorism training, at Excess Defense Articles. Pero tulad ng panahon ng base militar, ang mga pagsasanay militar at ayudang militar ng US sa Pilipinas ay di naman nagresulta sa modernisasyon ng AFP, bagkus ginagamit ng imperyalismo ang ayudang militar upang mapresyur ang gobyerno ng Pilipinas na ipatupad ang mga polisiyang itinutulak nito tulad ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon.

Pinahihintulutan nito ang pagpasok at pananatili ng walang hanggang bilang ng dayuhang tropa sa bansa. Hindi nagbabayad ng customs duty at hindi nangangailangan ng VISA ang mga tropang kano na pumapasok sa bansa. Sa katunayan, walang pamamaraan ang Pilipinas upang matiyak kung sino-sino, gaano karami, at gaano katagal mananatili ang mga tropang pumapasok.

Hindi na rin maituturing na mga “bisita” ang mga tropang Kano dahil naka-base na sila sa Zamboanga, sa tinatawag na Joint Special Operations Task Force Headquarters sa Camp Navarro. Mula pa 2002 ay naka-istasyon na sila sa kampo, sa tinatawag na isang mistulang Forward Operating Base.

Kung sa military bases ay tiyak at tukoy ang lugar na maaaring “bisitahin” ng mga tropang Kano, sa VFA ay hindi na ito tinukoy. Kung gayon, maaari ng ituring na base ang buong bansa.

Hindi rin nililimitahan ng VFA ang mga aktibidad na maaaring gawin ng mga tropang Kano. Kaiba sa RP-US Military Bases Agreement, ang VFA ay isang kasunduang walang taning. Mawawalan lang ng bisa 180 matapos magpahayag ang isang panig.

b. Nasa disbentahe ang Pilipinas sa VFA, habang sinisiguro naman nito ang bentahe ng US. Sa pagkilala pa lang ng VFA bilang tratado, ang Pilipinas lamang ang tumupad sa proseso ng ratipikasyon at kumikilala dito bilang tratado, samantalang ang US ay hindi ito niratipika at kinikilala bilang tratado. Sa ganitong kalagayan ay walang panangutan ang US sa pagtupad o paglabag sa VFA, habang lubos na pinapatupad ito ng ating pamahalaan.

Sa kalagayan ng mga tropa, malayang makakapasok ang tropang Kano ng walang oppisyal na maga dokumento di gaya ng rekisitos sa mga tropang Pilipinong papasok ng Amerika. Sa kalagayang may nilabag na batas ang mga tropang Kano, sila ay maaaring manatili sa kustodya ng US habang nililitis ang kanilang kaso. Bagama’t sinasabing nasa jurisdiction ng Pilipinas ang mga Kano, katawa-tawang hindi ito nangangahulugan ng kustodya. Samantala, sa ilalim ng VFA 2, ang dumadalaw na tropang Pinoy na lumabag sa batas ng US ay ilalagay agad sa kustodya ng Amerika.

Hanggang sa ngayon, wala pa ring tunay na hustisya na nakakamit sa Nicole pagka’t hindi naman talaga naikulong si Smith bagama’t napatunayan na sa Korte na siya ay nagkasala sa kasong rape. Hindi nagdalawang isip ang gobyerno ni Arroyo na isuko si Smith sa Embahada ng US matapos ibaba ang hatol.

Sa kabila ng pinakahuling desisyon ng Korte Suprema, wala pang tiyak na hakbang ang rehimeng Arroyo upang sundin ang utos ng Korte. Ginagamit nito ang kahinaan sa desisyon ng Korte na nagpapanatili ng “status quo” (pagkulong kay Smith sa Embahada ng US) habang nagaganap ang negosasyon. Wala ring ibinigay na taning sa negosasyon at ayon sa administrasyon, mailalagay lamang si Smith sa kulungan sa Pilipinas kapag tapos na ang lahat ng “judicial proceedings,” kasama na ang apila sa CA at hanggang sa SC.

Maliban kay Smith, wala nang iba pang sundalong Amerikano na nakasuhan sa kabila ng ilan pang mga krimeng kanilang nagagawa sa paglulunsad ng kanilang military exercises.

c. Ang VFA ay ginagamit ng US at ng reaksyunaryong gobyerno upang supilin ang mamamayan. Sa ilalim ng tabing ng mga gawa-gawang humanitarian at medical missions, lumalahok din ang mga tropang kano sa direktang operasyong militar, mula sa pagsama sa mga combat patrols, armadong convoy, hanggang sa pagsasagawa ng paniniktik sa mamamayan, mga progresibong grupo at indibidwal, at mga rebolusyonaryong kilusan.

d. Ang VFA ay nagsisilbing banta sa seguridad at kaligtasan ng mamamayan. Dahil maaari tanggihan ng US ang inspeksiyon ng anumang barko at kagamitang ipapasok sa ilalim ng VFA, malayang makapagdadala ng armas nukleyar ang US kahit labag ito sa ating konstitusyon. Sa panggegera ng US sa iba’t-ibang bansa sa Asya, hindi malayo na tayo ang atakihin ng mga kalaban nito bilang tayo ang mas malapit at walang kakayahang magtanggol.

Napatunayan na rin sa kasaysayan ng Pilipinas at iba pang bansang ginera ng US gaya ng Iraq, ang pagtindi ng paglabag sa mga karapatang pantao sa presensiya ng tropang Kano. Kasabay din ng pagdating ng mga tropang Kano ang paglaganap ng mga anti-sosyal na aktibidad gaya ng prostitusyon.

3. Ano ang ating kagyat at pangmatagalang mga tungkulin?

Ang VFA, tulad ng iba pang mga kasunduang itinutulak ng imperyalismong EU sa Pilipinas ay isang kasunduang nagpapanatili sa kolonyal na relasyon ng dalawang bansa. Hindi natin maaasahan ang rehimeng Arroyo na ito ay ibasura at igiit ang soberanya ng Pilipinas dahil sa mahabang rekord nito ng pagapakatuta at pagiging sunud-sunuran sa kanyang imperyalistang amo. Tulad ng pagbabasura sa military bases noong 1991, tanging sa pagkilos ng malawak na hanay ng mamamayan tayo makakaasa na ito ay maibasura.

Sa partikular:

a. Tipunin ang malakas na sintimiyento ng mamamayan laban sa VFA. Kinakailangang magsagawa ng mga malapat na aktibidad upang matipon ang iba’t ibang grupo, personalidad at institusyon na kontra sa VFA. Maaaring pangunahan ang pagtatayo ng lokal na mga alyansa upang maisakatuparan ito.

b. Maglunsad ng mga serye ng pag-aaral hinggil sa VFA at sa relasyong EU at Pilipinas. Kinakailangang palaganapi ang pinakamatalas na pagsusuri sa VFA sa pamamagitan ng masaklaw, sistematiko at malaganap na propaganda edukasyon at ahitasyon. Ilantad ang tutang rehimeng Arroyo at ang kasaysayan ng di-pantay na relasyong RP-US.

c. Magsagawa ng mga napapanahong kilos protesta. Markahan ang mga multi-sektoral na pagkilos sa Marso 20-21, anibersaryo ng gera ng US sa Iraq (US out of Iraq and the Philippines), Balikatan exericses (Abril 16-30 sa Bikol), at ika-sampung anibersaryo ng ratipikasyon ng VFA sa Mayo 27, 2009.

Sa pangmatagalan, kinakailangang isulong ang pambansa demokratikong pakikibaka ng mamamayan na may sosyalistang perspektiba, upang makamit ang isang polisiya sa pakikipag-ugnayang panlabas na malaya at makabubuti sa Pilipinas.

Ang ating mga panawagan:

Junk, VFA! Junk GMA!

Jail Smith in the Philippines!

US Troops out of the Philippines!

Ugat ng kahirapan, Imperyalismo, Ibagsak!

Share now!

Harapin ang Krisis, Kumilos Para sa Panlipunang Pagbabago
I-click para madownload ang .pdf kopya ng Primer

Harapin ang Krisis, Kumilos Para sa Panlipunang Pagbabago

Epekto na krisis sa malakonyal at malapyudal na Pilipinas

Desperasyon ni Arroyo na makapanatili sa estado-poder sa gitna ng malawakang krisis

Harapin ang krisis! Kumilos para sa panlipunang pagbabago!

Ang bagong taon ay nangangahulugan ng pagharap ng kabataan at mamamayan sa papaigting na panlipunang krisis.

Hindi na maikaila ng rehimeng US-Gloria Macapagal Arroyo at mga lokal na kasapakat nito ang dinaranas at daranasing malalang krisis sa ekonomiya dulot ng kasalukuyang pandaigdigang resesyon. Hindi na kayang pasubalian ng anumang mga pahayag nito ang nakaambang matinding pandarahop at ipalabas na minimal lamang ang magiging epekto ng tinaguriang Great Depression II sa kabuhayan ng mga mamamayan sa buong daigdig.

Bago pa man matapos ang nakaraang taon, sinalanta na ng malawakang disempleyo ang mga manggagawa sa buong daigdig dulot ng malawakang tanggalan sa mga nabangkaroteng mga empresa at negosyo. Pinakahuling nagpahayag ng pagkabangkarote (bankruptcy) ang tatlong dambuhalang automotive companies sa US, ang Ford, Chrysler at General Motors, na magreresulta sa malawakang tanggalan sa trabaho kahit pa nagdeklara na ang gobyerno ng US ng bailout para sa mga ito. Ang General Motors, halimbawa, ay may tinatantyang magtatanggal ng 30,000-100,000 manggagawa dulot ng kanilang pagkalugi.

Sa US pa lamang, tinatayang may 4 milyong manggagawa ang mawawalan ng trabaho pagsapit ng unang kwarto ng taong ito. Hindi pa man tuwirang pumuputok ang pandaigdigang resesyon ay milyun-milyon na ang nabubuhay sa $1-$2 sa isang araw.

Sa Europian Union, tinataya ang malakihang tanggalan ng trabaho sa North Eastern England. Sa Germany, may 10-15% ang inaasahang mawawalan ng trabaho sa mga automotive companies pa lamang. Nagdeklara na rin ang General Motors at Nissan-Renault sa Spain ng malawakang tanggalan dulot na pagbagsak ng benta ng kotse sa halos 40% Oktubre pa lamang noong nakaraang taon (Agence France Presse). Sa pinakahuling balita mula sa Wall Street, tinatayang may 200,000 ang matatanggal sa trabaho sa buong mundo bago pa man matapos ang Enero 2009.

Gayundin, sunud-sunod ang pagsara maging ng mga komersyal na bilihan, kainan at serbisyo hindi lamang sa US kundi maging sa iba pang mga abanteng bansang tinamaan din ng resesyon. Hirap ang mga kumpanyang nasa linya ng consumer retail dahil patuloy na bumubulusok ang kakayahan ng mga mamamayan para bumili ng kanilang mga produkto. Bumagsak na ang share prices ng JC Penney at Nordstrom, dalawang malalaking department store sa US. Sa London, nagsara na ang ilang mga sangay ng Marks and Spencer at  Bloomingdale’s. Mahigit 100 sangay na rin ng Starbucks ang nagsara sa US noong Nobyembre pa lamang (USNews.com, Nobyembre 2008)

Bagsak na rin maging ang ilang malalaking kumpanya ng electronics at teknolohiya. Ang Vodafone Group PLC, ang pinakamalaking kumpanya ng mobile cellular phone sa buong mundo, ay hindi na makaraos sa pagbagsak ng halaga ng mga stocks nito (Associate Press, Nobyembre 2008). Nagsampa na ng hiling para sa bailout ang Circuit City Stores Inc, habang ang Best Buy, isang electronics retail chain, ay nagdeklara na rin ng pagkalugi (USNews.com, Nobyembre 2008). Patuloy namang humahaba ang listahan ng mga real estate companies na nababangkarote dulot ng pagputok ng tinaguriang housing bubble/subprime mortgaging.

Kaalinsabay naman nito ang lumolobong utang ng gobyernong US at iba pang bansa, malalaking multinasyunal na kumpanya, hanggang ng mga tahanan at mamamayan dulot ng kasalukuyang pinansyal na krisis.

Kahit ang matagal nang taktika ng US na manggera para isalba ang kanyang ekonomiya ay hindi na kayang isalba ito sa krisis, bukod pa sa lalong nabubunyag ang tunay na interes ng US sa mga gerang agresyon sa Iraq at Afghanistan. Nitong huli, malawak ang pagkondena ng mamamayan sa buong daigdig sa tuwirang pagsuporta ng gobyernong US sa pambobomba ng Israel sa Gaza na patuloy na pumapatay at sumasalanta sa mga inosenteng sibilyan sa likod ng motibong makontrol ang pipelines sa Gaza. Matagal nang nalantad ang ‘gera laban sa terorismo’ ng US bilang taktika para sa makasariling interes nito.

Epekto na krisis sa malakonyal at malapyudal na Pilipinas

Samantala, anumang paliwanag ni Arroyo na hindi o minimal lang ang magiging epekto ng pandaigdigang krisis ay hindi na makakalusot sa mamamayan. Sa halip, mas magiging masahol malala, matagal at mapanalanta ang resesyon sa mga atrasado at pre-industriyal na mga malakolonya tulad ng Pilipinas.

Tumaas na naman ang presyo ng bilihin, tulad ng LPG at pagkain. Habang ayon sa huling Social Weather Station sarbey,  52% ng mamamayang Pilipino ang tinuturing ang kanilang sarili na mas mahirap pa sa daga. 23.7% (21.5 milyon katao) ng mamamayang Pilipino ang dumaranas ng iba’t ibang antas ng kagutuman. Mas malala pa rito ang 40% tantos ng kagutuman, ayon sa sarbey ng Gallup International nitong Nobyembre. Doble ito ng pandaigdigang average at naglagay sa Pilipinas bilang ikalima sa talaan ng kagutuman sa buong mundo.

Nauna na ring binaggit ng Ibon Foundation na para makaagapay sa krisis, mas maraming buwis na babayaran ang mamamayan ngayong 2009. Tunguhin, halimbawa, ng gobyernong US-Arroyo na magpataw ng mas marami at panibagong mga buwis ngayong taon ito na aabot sa P12-25 bilyon sa pamamagitan ng buwis sa tabako, alkohol (sin taxes) at maging sa ‘Internet blogging’ para lamang makapangalap ng dagdag-pondo sa gitna ng krisis.

Tuwiran rin ang magiging epekto ng resesyon sa eksport ng bansa. Pangunahin na rito ang industriyang elektroniks na nagluluwal ng 67-70% ng eksport ng Pilipinas, kalakhan sa US. Bunga ng pagdausdos ng pandaigdigang pamilihan para sa mga produkto nito, bumabagsak ito nang mahigit 30% kada buwan, at inaasahang patuloy na babagsak ngayong taon. Marami sa mga 600,000 manggagawa sa industriyang ito ay pinagtatanggal na o nanganganib na matanggal.

Gayundin ang magiging epekto sa OFW remittances. Tinatayang 30,000 migranteng Pilipino na ang nahagip ng malawakang tanggalan sa US. 500,000 migranteng Pilipino na mawawalan ng trabaho at maoobligang umuwi (Ibon Databank).

Tiyak din ang magiging epekto ng kasalukyang krisis sa kabataang Pilipino, habang patuloy namang tumataas ang halaga ng edukasyon sa bansa dulot pa rin ng mga patakarang pribatisasyon, komersyalisasyon at deregulasyon ng matrikula. Noong nakaraang taon, 378 sa mahigit 1,800 pribadong kolehiyo at unibersidad sa bansa ang nagtaas ng matrikula. Tumaas ng 9.93 porsiyento ang matrikula o P38.92 mula noong 2007 na naglagay sa national average tuition rate sa P437.10 kada yunit. Tinatayang lalong dadami pa ang mga administrasyong magpapanukalang itaas ang kanilang mga matrikula ngayong darating na Pebrero sa bisa ng muling pagpapataupad ng Commission on Higher Education (CHEd) Memorandum 13. Habang tiyak din ang patuloy na paglunsad ng mga state college and university ng tinaguriang income generating projects sa muling pagkaltas sa badyet sa sektor ng edukasyon sa inaprubahang pambansang badyet ngayong 2009. Pinakahuling dagdag-pasakit naman sa mga estudyante ang ipinataw ng CHEd na karagdagang isa pang taon sa kursong nursing na magiging epektibo sa susunod na academic year (2009-2010).

Samantala, apektado rin maging ang mga nagtatrabaho sa mga semi-processing zones at business process outsourcing (call centers). Sunud-sunod na rin ang malawakang tanggalan sa trabaho maging sa mga lokal na sangay ng mga kumpanyang multinasyunal dito sa bansa, tulad ng Intel sa Cavite at Texas Instruments sa Baguio na pawang nakararanas ngayon ng matinding pagkalugi. Tinatayang mas dadami pa ito sa mga susunod na buwan, habang walang ibang tugon ang gobyerno kundi ang mamigay ng mga panandaliang subsidyo o di kaya’y dole-outs. Lolobo ang disempleyo, laluna pagsapit ng graduation sa Marso.

Desperasyon ni Arroyo na makapanatili sa estado-poder sa gitna ng malawakang krisis

Sa gitna ng tuluyang pagkakahiwalay ni Arroyo sa mamamayan dulot ng krisis, gayon pa rin ang kanyang desperasyong makapanatili sa pwesto.

Walang kamatayang charter change

Bagamat malaon nang nailantad ang motibo ni Arroyo sa cha-cha at sa kabila ng malawak na pagtutol dito ng mamamayan, cha-cha pa rin ang pangunahing inaasahan ni Arroyo para manatili sa pwesto at maisalba  ang sarili sa paniningil ng mamamayan.

Maging ang kinakaharap na pinakamatinding krisis sa ekonomiya ng mamamayan ay kinakasangkapan ni Arroyo para igiit ang cha-cha – sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga ilang nalalabing proteksyon sa Konstitusyon para sa pambansang patrimonya at soberanya.  Pangunahin dito ang pagtanggal sa probisyong naglilimita sa dayuhang pag-aari sa bansa para diumano mas makapang-akit ng dayuhang negosyo at pamumuhunan ngayong panahon ng krisis. Ani House Speaker Prospero Nograles, ito raw ang pinakamainam na paraan gayong tiyak na naghahanap ng mapaglalagakan ng kapital ang mga kumpanya sa US at iba pang mga bansa ngayong panahong ng global financial crisis.

Nitong huli, tumambad sa publiko ang pakanang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Justice Reynato Puno ng mga kaalyado ni Arroyo sa Kongreso. Mabilis na binatikos ito ng Oposisyon at iba pang mga sektor at grupo. Sa pakanang ito, walang ibang makikinabang kundi si Arroyo at ang panukalang cha-cha dahil si Puno na lamang ang matitirang mahistrado na hindi kontrolado ng Malakanyang sa Korte Suprema matamang magretiro ang pito sa kanila ngayong Enero. Sa kasalukuyan, 12 sa 15 na mahistrado ay appointees ni Arroyo. Ang pinakahuling mahistradong in-appoint sa Korte Suprema, si Associate Justice Diosdado Peralta, ay kilalang malapit na kaibigan ni Arroyo.

Ngayong muling magbubukas ang Kongreso, tiyak namang ipagpipilitan ni Arroyo ang paggiit sa ‘magkasanib na Constitutional Assembly (unilateral Con-Ass)’ kahit na siguradong tatanggihan ito ng Senado at idineklara na ring labag sa batas. Paborable ang isang magkasanib na Con-Ass para kay Arroyo lalo pa’t mayorya ng Kongreso ay kanyang mga kaalyado – tulad ng kung paanong nakasangkapan niya ang kanyang mga kaalyado upang ibasura ang naunang mga impeachment complaint laban sa kanya. Sa nauna nang pinagsanib na resolusyon ng lahat ng mga Senador kontra-Con-Ass, tinatayang ang Korte Suprema ang huling hantungan para maipasa ang panukalang cha-cha.

Pasismo, panunupil at panlilinlang

Dahil desperadong makapanatili sa pwesto, ginagawa ni Arroyo ang lahat ng paraan upang hatiin, hadlangan at supilin ang hanay ng mga ligal na oposisyon at kilusang masa. Tuluy-tuloy ang pagbigwas ni Arroyo ng pulitikal na panunupil at dahas, pangunahin na sa mga lider-aktibista at kasapi ng mga aktibistang organisasyon. Tampok ngayon ang ‘kriminalisasyon’ ng mga aktibista sa pamamagitan ng pagsampa ng mga kasong pulos paratang at walang batayan.

Samantala, patuloy pa rin ang extra-hudisyal na pagpatay at forced disappearances na sangkot ang hinihinalang mga elemento ng militar.

Tagos naman ang bangis ng panunupil ng estado maging sa mga kampus at eskwelahan. Ilang mga lider-estudyante ang hayagang pinararatangang mga ‘NPA recruiter at komunista’ at sukdulang sampahan ng gawa-gawang kasong rebelyon ang limang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Lopez, Quezon.

Patuloy ang paglulunsad ng mga forum at symposium ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng ROTC (Reserved Officers Training Corps) na walang ibang layunin kundi siraan ang mga aktibista at progresibong organisasyon ng mga kabataan sa mga eskwelahan.

Panlilinlang din ang isinusulong na nag-aastang progresibong Magna Carta of Students ni Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel sa Kongreso na naglalaman ng mga panukalang magliligalisa, reguralisa at magpapahintulot ng higit pang panunupil sa mga estudyante.

At habang papalapit ang Eleksyong 2010, ngayon pa lang, unti-unti nang kinokonsolida ni Arroyo ang kanyang makinarya para sa malawakang dayaan, panunupil at panlilinlang.  Nitong huli, tampok ang isinagawang Cabinet revamp ng Malakanyang kung saan pawang mga retired general, ang ilan sa kanila’y sangkot sa kontrobersyal na Hello Garci,  (Razon bilang Presidential Adviser on the Peace Process, Esperon sa Presidential Management Staff, Danga bilang AFP Chief of Staff, atbp.) ang itinalaga ni Arroyo sa mga susing pusisyon sa kanyang Gabinete, habang  si Retired Gen. Jovito Palparan ay nababalitang itatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)at/o Dangerous Drugs Board (DDB).

Harapin ang krisis! Kumilos para sa panlipunang pagbabago!

Napakapaborable ng kasalukuyang krisis para lalong magkaisa ang kabataan at mamamayan na kumilos para sa panlipunang pagbabago.

Hamon sa atin sa kasalukuyan na mas patiningin ang pambansa-demokratikong pagsusuri at solusyon sa harap ng malawakang kahirapan, kagutuman at lumalalang pasismo at tiraniya ng rehimen.

Kailangang maging mapagmatyag at mapagbantay sa mga kaganapan pag-usad ng mga usaping pambansa habang patuloy na inilalantad ang kabulukan ng imperyalistang sistema sampu ng pandaigdigang resesyon.

Kailangang puspusang maglunsad ng tuluy-tuloy at sustinidong malawakang kampanyang higit na maglalantad sa desperasyon ni Arroyo na makapanatili sa pwesto. Nakaamba ang kaliwa’t kanang mga pakana kabilang na ang iba’t ibang mga iskema at paraan sakaling mabigo ang cha-cha at matuloy ang halalan sa 2010. Hindi kailanman pahihintulutan ni Arroyo na mawala sa estado-poder dahil nangangahulugan ito ng kanyang pagharap at pagkakalaboso sa lahat kanyang mga krimen sa mamamayan.

Kailangang tiyakin ang pagkakawing ng mga isyung lokal at sektoral sa paniningil sa rehimeng US-Arroyo. Malakas na labanan ang mga pakana ni Arroyo para atakehin at supilin ang mga demokratikong karapatan at interes ng mamamayan.

Kailangang mag-ipon ng sapat na lakas at pwersa ang kilusang kabataan at masa upang masustini ang kampanya laban sa diktadura at panunupil ni Arroyo habang masusi at patuloy na ikinakampanya sa pinakamalawak na bilang ng masang kabataan at mamamayan ang kawastuhan ng pambansa-demokratikong pakikipaka. Magagawa lamang ito kung sasanib ang kilusang kabataan-estudyante sa hanay ng batayang masa. Ang sustinido at solidong lakas ng kabataan at mamamayan ang siyang magiging salalayan para sa inaasahang bugso ng kampanyang masa ngayong taong ito.

Tanging sa isang dumadagundong kilusang masa mapagtatagumpayan ng mamamayan ang laban para sa tunay na pagbabago, demokrasya at katarungang panlipunan. ###

Share now!

Hinggil sa Pandaigdigang Krisis Pampinansya
I-click para madownload ang .pdf kopya ng Commitment: Commitment October 2008 PDF

Ang Pandaigdigang Krisis Pampinansya: Isang Praymer

Inihanda ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap, League of Filipino Students (LFS), Oktubre 2008

Pambungad

1. Ano ang katangian ng kasalukuyang krisis?

2. Ano ang istorikal na konteksto ng krisis sa pinansya at mga yugto ng krisis ng imperyalismo?

3. Ano ang inaasahang magiging epekto ng kasalukuyang krisis?

4. Sa kasaysayan, paano hinarap ng aping mamamayan ang pagputok ng krisis ng imperyalismo? Sa kasalukuyang krisis, ano ang tungkulin ng mga progresibong puwersa?

Pambungad

Iminarka ng sunod-sunod na pagbagsak ng pinakamalalaking bangko sa pamumuhunan sa Estados Unidos (US) ang isa sa mga rurok ng matinding krisis pampinansya na yumayanig sa US at sa daigdig sa kasalukyan. Marami ang nagsasabing kalebel na o mas malala pa ang kasalukuyang dinaranas sa Great Depression noong 1930′s.

Bumagsak ang stock market sa US at nagbunsod ito ng sunod-sunod na pagbagsak sa stock markets ng Latin America, Europa at Asya. Marami pang mga bangko at kumpanyang pampinansya ang nanganganib na mabangkarote, magsara, o mapilitang makipagsanib sa iba pang kumpanya sanhi ng krisis.

Mayo 2006 pa lamang, una nang nagdeklara ng pagkabangkarote ang Merit Financial Inc. Halos  sabay-sabay na nagdeklara ng pagkabangkarote ang humigit pang 25 na kumpanyang nagpapautang sa gitna ng 2007, kabilang na ang New Century Financial at Ameriquest, ilan sa pinakamamalalaking tagapagpautang sa US. Upang maiwasan ang pagsasara, umutang naman ng $11 bilyon mula sa iba’t ibang mga bangko ang Countrywide Financial Corporation, isa pang dambuhalang institusyong pampinansya.

Sa kabila ng mga hakbangin ng gobyerno ng Amerika na maiwasan ang pagsambulat ng krisis, tuloy-tuloy ang pagbagsak ng stock market sa US at pagsasara ng mga bangko. Nag-ulat ng $435 bilyong pagkalugi ang mga bangko ng US noong Hulyo 2008. Habang sa Pilipinas, tinatayang P554 bilyong halaga ng stocks ang nalugi sa loob lamang ng anim na araw (Oktubre 5-11, 2008).

Epekto ito ng sunod-sunod na pagbagsak ng ilan sa mga pinakamalalaking bangko sa US, kasama ang Merryl Lynch at Bear Stearns nitong mga nakaraang buwan. Kahit ang Lehman Brothers na nakalagpas sa Great Depression ay hindi nakatakas sa kasalukuyang krisis at gumuho noong Setyembre.

Upang hindi mabangkarote ang Freddie Mae (FHLC o Federal Home Loan Corporation) at Fannie Mac (FNMA o Federal National Mortgage Association), mga malalaking institusyong pampinansya sa pabahay, sila ay tuluyan nang kinontrol ng gobyerno, habang sinalba naman ng gobyerno ng US ang  American International Group, ang pinakamalaking insurance company sa US at sa buong mundo sa pamamagitan ng pagpapautang dito ng $85 bilyon.

Kamakailan lamang, ipinasa ng gobyerno ni George Bush ang isang $700 bilyon na bail-out package upang iligtas diumano ang mga kumpanyang nanganganib pang magsara. Subalit sa kabila nito, nananatiling hindi humuhupa ang panic sa mga stock market ng buong mundo at patuloy pa rin ang pagbagsak ng ekonomiya ng US at iba pang mga bansa. Lalo rin nitong sinindihan ang galit ng mamamayang Amerikano dahil galing sa kanilang buwis ang salaping gagamitin para rito. Sa kabila ng bail-out package na ito, nagkakasundo ang maraming mga eksperto at ekonomista na ang mga kaganapan nitong Setyembre ay simula pa lamang ng paglala ng kasalukuyang krisis.

1. Ano ang katangian ng kasalukuyang krisis?

Ang kasalukuyang krisis ay krisis sa sistemang pampinansya. Dulot ito ng pinansyalisasyon o ang pagpapaikot ng sobrang kapital sa mga pamilihang pampinansya sa halip na gamiting puhunan sa produksyon. Niyayanig nito ang stock market, mga bangko at iba pang institusyon sa pinansya ng mga imperyalistang bayan at mga kolonya.

Sa nakaraang 30 taon, tumindi ang konsentrasyon ng pampinansyang kapital sa iilang institusyon at bangko sa US at iba pang mga malalaking kapitalista/imperyalistang bansa. Pagsapit ng taong 2000, pagmamay-ari na ng 1% ng populasyon ng buong mundo ang kabuuang 40% yaman ng buong daigdig, habang ang 50% ng populasyon ng buong mundo ay naghahati lamang sa 1% ng yaman.

Nahuhumaling ang kapitalismo sa pamumuhunan at ispekulasyon sa paper commodity market tulad ng mga securities, bonds at stocks dahil limitado na ang mga larangan na pwedeng paglagakan at pagpalaguan ng kapital dulot ng krisis sa labis na produksyon.

Dahil sa labis na pagkonsentra ng yaman sa buong mundo, pinalala ang batayang tunggalian sa mga sistemang kapitalista – yaong di-pantay na relasyon sa pagitan ng sosyalisadong paggawa dulot ng mas maunlad na produksyon at pribadong tubo na nagsisilbi sa interes lamang ng iilan. Ang resulta nito ay ang paglikha ng sobra-sobrang kalakal na hindi naman kayang bilihin o ikonsumo ng mamamayang lubog sa kahirapan.

Ang walang tigil na paghahabol sa ganansya, ang kapitalistang akumulasyon at kapitalistang kumpetisyon, ang relasyon ng akumulasyon at kumpetisyon na nagpapatindi sa isa’t isa, ay nagbubunga ng mabilis na paglawak at paglaki ng produksyon sa lipunan.

Pero ang paglawak at paglaki ng pamilihan ay di kasimbilis ng paglawak at paglaki ng produksyon. Di nakakasabay sa bilis ng paglaki ng produksyon ang bilis ng paglaki ng pamilihan.

Kaya ang natural na patutunguhan ng kalagayang ito ay ang pagbagsak ng negosyo kapag sobra-sobra na ang pagbaha ng mga produktong di maibenta sa pamilihan. Ito ang krisis ng labis na produksyon na bumabayo sa buu-buong mga industriya at sa buong ekonomya.

Ang pinansyalisasyon ay isang paraan ng pagpupumilit ng kapitalismo na makaalpas sa krisis ng labis na produksyon – isang sumpang nasa katangian nito at hindi nito matatakasan.

Dahil sa kalagayang hawak ng iilan sa buong mundo ang sobrang kapital at hindi naman kayang makaagapay dito ang sobrang kapasidad sa produksyon, humantong sa puntong kinailangang lumikha ng panibagong halaga sa halagang nalikha na. Kung gayo’y nakapipiga ng tubo ng hindi lumulikha ng aktwal na panibagong kalakal.

Umabot ito sa yugtong ang malaking bahagi ng kapital ay inilagak na sa ispekulasyon sa larangan ng pinansya. Likas na tunguhin ito ng sistemang kapitalista. Ayon nga kay Vladimir Lenin, “umabot na ang pag-unlad ng kapitalismo sa yugto na kahit ‘namamayani’ pa ang produksyon ng kalakal at nananatili pa itong batayan ng buhay pang ekonomiya, sa katunaya’y binabagabag na ito ng kapitalismong pampinansya hanggang sa ang mga bulto ng mga tubo ay kinakamkam na ng mga ‘henyo’ ng manipulasyon sa pinansya.”

Sa pamamagitan ng pinansyalisasyon, higit na naihihiwalay ang pinansya sa produksyon, at higit pang nakonsentra ang kapital at yaman sa iilang mga malalaking bangko at institusyong pinansyal. Pagsapit ng 2006, tatlo’t kalahating ulit na mas malaki sa halaga ng pandaigdigang produksyon ang halaga ng mga ari-ariang pampinansya noong 2006. Mula $12 trilyon noong 1980, lumaki hanggang $190 trilyon noong 2007 ang halaga ng samu’t saring instrumentong pampinansya. Tatlumpung porsiyento nito ay nasa US.

Paglikha ng mga “bula”

Bahagi ng pinansyalisasyon ang paglikha ng artipisyal na demand at pagpapalobo ng “pang-ekonomiyang bula” o economic bubble para buhayin ang naghihingalong ekonomiya. Sa pamamagitan ng “bula,” nakalilikha ng “artipisyal na kayamanan” ang isang kapitalistang bansa kahit na ang totoo’y batbat sa krisis ang ekonomiya nito. Nagagawa ito sa pag-engganyo sa pagbili (consumption) sa pamamagitan ng pagpapautang sa mababang interes, na siya namang maglilikha sa isang “aktibong ekonomiya.”

Bago pa man ang kasalukuyang krisis, marami nang mga naunang “bula” ang pinalobo at kalauna’y pumutok. Isang tampok na halimbawa ang dot-com bubble na lumobo sa kalagitnaan ng 1990s at pumutok noong 2001. Tampok sa nasabing “bula” ang pampinansyang ispekulasyon sa mga kumpanyang nakabase sa internet na matapos ang inisyal na pagtaas ng halaga ay biglang bumagsak at isa-isang nagsara. Ito ay nagdulot ng isang resesyon sa US at iba pang kapitalistang bayan.

Sa kaso ng kasalukuyang krisis, ang industriya ng pabahay ang pinalobong “bula”. Ebidente sa katangiang sub-prime ang higit na desperasyon ng kapitalismo na isalba ang sarili sa pagkalugmok.

Hindi na lamang simpleng pautang kundi inengganyo ang mamamayan na mangutang sa mga bangko para makabili ng sariling bahay kahit na sila ay tinaguriang mga NINJA (no income, no jobs, no assets) at kung gayo’y malabong makabayad ng utang. Ibinaba ang interes at pinaluwag ang patakaran ng mga bangko at pinansyal na institusyon sa pagpapautang. Umasa ang mamayan na sila ay kikita at makapagbabayad ng utang dahil sa umpisa, tumataas ang halaga ng mga bahay.

Subalit ang labis na pagtatayo ng bahay ay nagresulta sa sarplas na mga tirahan kung kaya’t nagsimulang bumagsak ang kanilang presyo.Sa pagsasara ng 2005 nagsimulang tumigil ang paglago ng industriya ng pabahay. Sa susunod na taon, bumagsak ng 40% ang US Construction Index. Sa pagputok ng “bula” at pagbagsak ng presyo ng mga bahay, hindi nakabayad ang mamamayan ng kanilang mga utang sa bangko pagka’t kalakhan sa kanila ay mahihirap. Noong 2007, umabot na sa 1.3 milyong bahay ang humaharap sa pagkarimata (79% na mas mataas kumpara noong 2006).

Tuwiran ang epekto nito sa mga bangko at pinansyal na institusyon na siyang mga nagpautang para sa pabahay. Nagkahawa-hawa ang pagkalugi ng mga bangko at pinansyal na institusyon dahil sa iskemang securitization – pinagsama-sama ng mga bangko ang mga utang ng mamamayan at ibenenta sa ibang pampinansyang institusyon upang kumita. Kung kaya’t nang hindi na makapagbayad ang mamamayan ng kanilang utang, nalugi hindi lamang ang mga bangkong kanilang pinagkakautangan kundi pati na rin ang mga institusyong bumili ng kanilang utang. Ito ang pinakamasahol na epidemya sa kasalukuyang krisis sa pinansya.

At dahil ang ugat ng kasalukuyang krisis pampinansya ay ang krisis ng labis na produksyon na hindi kailanman mareresolba ng kapitalismo, hindi magtatagumpay ang mga pagtatangka at pakana ng gobyerno ni Bush at ng mga ‘henyo’ ng pinansya na maresolba ang krisis. Hindi nito maiiwas ang ekonomiya ng US at ng daigdig sa resesyong pinatutunguhan nito ngayon.

2. Ano ang istorikal na konteksto ng krisis sa pinansya at mga yugto ng krisis ng imperyalismo?

Sa kasaysayan ng kapitalismo, matapos nitong tumungo sa yugto ng monopolyo-kapitalismo at imperyalismo, ilang beses nang pumutok ang krisis nito. Halos kada 10 taon ay sumasambulat ito.

Umaabot ng ilang taon ang krisis. Maramihang winawaldas at sinisira ang mga produkto, gayundin ang mga pwersa sa produksyon. Hanggang sa maidispatsa ang natambak na kalakal at unti-unting gumana uli ang produksyon at pamilihan.

At muli, unti-unting bibilis ang pag-andar ng produksyon at palitan. Ang paghakbang ay magiging pagsagsag, ang pagsagsag ng industriya ay magiging pagtakbo, at ang pagtakbo ay tutungo sa walang-patumanggang pag-uunahan sa produksyon, komersyo, pag-utang at pagpapautang, at ispekulasyon, na matapos ang pinakahumahagibis na mga paglukso, ay hahantong na naman sa hukay ng panibagong pagbagsak.

Ang unang yugto ng pangkalahatang krisis ng kapitalismo ay nagsimula matapos umunlad ang kapitalismo sa Belgium, Germany, Netherlands at US. Sanhi ng krisis ng labis na produksyon, hinati nila ang mundo para mapaglagakan ng sarplas na produkto at mapagsamantalahan ang ekonomiya ng mga atrasadong bayan sa Asya, Timog Amerika at Aprika. Sa kabila ng pagbubukas ng mga neokolonya at kolonya, muling pumutok ang krisis noong 1911 na nagresulta sa pagsasara ng mga pabrika at pagkatanggal sa trabaho ng libu-libong manggagawa lalo na sa US.

Ang ikalawang yugto ay ibayong mas matindi pa sa nauna. Sinasaklaw nito ang pagbagsak ng Stock Market hanggang Malaking Depresyon ng 1930s na ang sanhi ay ang ispekulasyon sa industriya ng Real State.

Sa ikatlo at kasalukuyang yugto ng krisis ng kapitalismo, itinutulak ang “neoliberal” na globalisasyon kung saan pinatitindi ang pandarambong sa kolonya at neo-kolonya ng mga imperyalistang bayan. Sa pamamagitan ng International Monetary Fund, World Bank at World Trade Organization, itinutulak ng imperyalismo ang mga patakarang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon, lalo na sa mga mahihirap na bansa, upang higit pang makakatas ng higit na tubong sasalba sa krisis nito sa pamamagitang ng murang hilaw ng materyales, murang lakas-paggawa, at upang malayang makapasok ang kanilang kalakal sa panibagong merkado.

Sa pagpupumilit ng kapitalismo na maresolba ang krisis nito, naglulunsad din ito ng digma para sa pang-ekonomiko at panteritoryong dibisyon ng mundo. Ang  gera ay isa sa mga industriyang pinaglalagakan ng kapital. Muli ring nabubuhay ang industriya sa pamamagitan ng pagtatayo muli sa mga ito matapos ang pagkawasak na resulta ng digma.

Saklaw ng unang yugto ng krisis ng kapitalismo ang Unang Digmaang Pandaigdig. Isa sa dahilan ng pagputok ng digmaang ito ay ang pag-aagawan ng Germany at Englatera ng kontrol sa Gitnang Silangan na mayaman sa deposito ng langis.

Nagwakas naman ang ikalawang yugto ng krisis at Malaking Depresyon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Kasabay ng pagtutulak ng “neo-liberal” na globalisasyon sa kasalukuyang yugto ng krisis ay ang paglulunsad ng giyerang agresyon at interbensyon sa iba’t ibang panig ng daigdig. Tampok na mga halimbawa ng gyerang ito ang giyera sa North Korea at Vietnam,  Persian Gulf War (1990-1991), pakiki-alam sa Bosnia at Herzegovina (1995-1996), pagsalakay sa Afghanistan (2001) at giyerang agresyon at pagsalakay sa Iraq (2003) sa ilalim ng iba’t ibang tabing tulad ng “war against terror.”

3. Ano ang inaasahang magiging epekto ng kasalukuyang krisis?

Sa pagtindi ng kasalukuyang krisis, inaasahan ang lalo pang pagbagsak sa kabuhayan ng mamamayan hindi lamang sa Amerika kundi sa buong mundo. Bukod sa direktang epekto ng krisis, tiyak ding patitindihin pa ang kahirapan at panunupil bilang resulta ng pagpupumilit ng imperyalismo na makaahon mula sa bangkarote nitong ekonomiya at pagsamantalahan pa ng husto ang mamamayan para humuthot ng kita.

Ipinababalikat ng gobyernong Bush sa mamamayang Amerikano ang krisis na sanhi ng pagkaganid ng mga kumpanyang pampinansya sa pamamagitan ng $700 bilyong bailout na magmumula sa buwis ng mamamayan. Habang isinasalba ang mga kumpanyang ito, wala sa programang bail-out ang pagsagip sa mga nawalan at nangangambang mawalan ng tirahan sa Amerika.

Sa pagsasara ng mga bangko at mga kumpanyang umaasa rito, libo-libo ang nawalan at mawawalan ng trabaho. Sa kasalukuyan, nasa 6.1% na ang tantos ng unemployment sa US, pinakamataas sa nakaraang dalawang dekada. Kasama sa mga manggagawang matatanggalan ng trabaho bunsod ng krisis ang libu-libong mga migranteng mula sa mga atrasadong bansa na inaasahan naman para sa kanilang mga remitanses tulad ng sa Pilipinas.

Dahil konektado ang stock markets ng iba’t ibang bansa, magaganap ang pagbagsak ng ekonomiya hindi lamang ng US kundi ng ibang mga bansa na hahantong sa isang pandaigdigang resesyon. Lalala pa ito dahil hihigpit ang pagkonsumo sa US kaya’t liliit ang order ng import mula sa Latin Amerika at Asya na naka-asa sa pag-eexport ng kanilang mga semi-manupakturang produkto.

Sa patuloy na paglala ng krisis sa pinansya, natutulak ang mga kapitalista na maghanap ng ibang mababalingan ng kanilang sobra-sobrang kapital.  Kaya lumilipat ngayon ang ispekulatibong kapital sa pangangalakal  ng mga komoditi (commodities futures trading) tulad ng langis, mineral at mga komoditing pang-agrikultura, na inaasahang magtutulak ng higit pang pagsirit ng presyo ng pagkain at enerhiya lampas sa aktwal na kalagayan sa tunay na ekonomiya.

Higit na isusulong ng imperyalismo ang digma upang makalagpas sa kasalukuyan nitong krisis. Ayon sa isang pag-aaral, lalagpas sa $1 trilyon ang magagastos ng gobyerno ng Amerika para sa mga gastusing may kinalaman sa pakikidigma. Sa aktwal, mas malaki pa ang planong gastusin ng Department of Defense ng US kaysa sa pinagsama-samang defense budgets ng ibang mga bansa.

Higit na aatekihin ng imperyalismo ang mga manggagawa at kanilang interes, gaya ng ginawa nito sa mga nakaraang krisis. Lalong ipipilit pababain ang sahod, tatanggalin ang mga benepisyo at papatindihin ang mga atake laban sa kilusang paggawa at mga unyon. Sa isang sarbey, tumaas ang bilang ng mga pinaslang mula 115 noong 2005 tungong 144 sa 2006 dahil sa kanilang pag-uunyon. Sa Pilipinas, mula 2001, mahigit 900 na ang pinaslang ng rehimeng US-Arroyo.

Sa lalong pagkasadlak ng mamamayan ng daigdig sa kahirapan at pagpupumilit ng imperyalismo na mabuhay sa kabila ng isa sa pinakamalalang krisis sa kasaysayan nito, higit pang tatambad ang mga batayang kontradisyon sa sistemang kapitalista – sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan; sa pagitan ng burgesya at uring manggagawa; sa pagitan ng imperyalismo at mamamayan at bansang pinagsasamantalahan; at sa pagitan ng imperyalismo at pandaigdigang pakikibakang sosyalista.

Taliwas sa mga pahayag ng papet na rehimeng US-Arroyo, hindi ligtas ang Pilipinas sa krisis pampinansya ng US at ng daigdig. Sa katunayan, lalo nitong palalalain ang kahirapang nararanasan ng mamamayang Pilipino sanhi ng kronikong krisis ng lipunang malakolonyal at malapyudal.

Tampok sa mga kagyat na epekto ng krisis ang pagkalugi ng mga lokal na bangko at institusyong pampinansya na may exposure sa mga naluging bangko sa US tulad ng Banco de Oro, Development Bank of the Philippines, Metrobank, at iba pa. Kahit ang Government Security Insurance Service ay may bilyong dolyar na ipinuhunan sa US at iba pang pamilihang pampinansya sa ibayong dagat. Inaasahan rin ang pagbagsak sa $4 Bilyon na remitans ng halos 10 milyong Pilipinong migrante, at pagbagsak ng foreign investments na inaasahan ng ating ekonomiya na may lumiliit na sektor ng produksyon (17% na lamang sa agrikultura at 20% sa manupaktura).

Ang mga epektong ito ay palalalain ng pagpapatindi ng pakanang liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon ng rehimeng Arroyo alinsunod sa “neo-liberal” na globalisasyon na itinutulak ng kanyang among US. Tatanggalin ang anumang natitirang proteksyon sa ating ekonomiya upang mapagsamantalahan ng mga imperyalista at mga lokal na kasabwat nitong malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa.

4. Sa kasaysayan, paano hinarap ng aping mamamayan ang pagputok ng krisis ng imperyalismo? Sa kasalukuyang krisis, ano ang tungkulin ng mga progresibong puwersa?

Kasabay ng pagtindi ng kahirapan ng mamamayan ang pagtindi ng kanilang kapasyahan na ibagsak ang sistemang mapagsamantala. Sa pagputok ng krisis, lalong nalalantad ang pagkabulok ng sistemang kapitalista na nagtutulak sa mamamayan na lumaban para ibagsak ito at palitan ng isang sistemang nagtataguyod ng kanilang interes.

Nilalantad ng kasalukuyang krisis sa pinansya na marapat at makatarungan ang paglaban ng mamamayan laban sa anumang tangka ng imperyalismo at lokal na mga kasapakat nito na ibaling sa mamamayan ang bigat ng pagsalba rito sa krisis na kanyang kinasasadlakan. Lalo lamang nitong pinalalakas ang batayan para labanan ang mga neo-liberal na patakarang tulad ng higit na pagpataw ng buwis (VAT at iba pa), at ipagtanggol at itaguyod ang karapatan para sa trabaho, mas mataas na sahod at iba pang serbisyong panlipunan. Higit pa, nalalantad na ang tangi at ultimong sulosyon sa isang lipunang batbat ng krisis ay ang pagpawi sa lipunang nakabatay sa uri at pagsasamantala.

Ang tagumpay ng rebolusyon sa Rusya noong 1917 ay naghudyat sa pagpasok ng daigdig sa yugto ng sosyalismo. Mahalagang ipunto na nagtagumpay ang rebolusyong ito matapos ang pagputok ng krisis ng kapitalismo na nagresulta sa unang digmaang pandaigdig. Matapos ang WWII, sunod-sunod naman ang tagumpay ng pakikibaka ng mamamayan sa Tsina, Vietnam, Cuba at North Korea.

Sa pamamagitan ng pagsasabansa sa mga industriya at kagamitan sa produksyon, sinosulusyonan ng isang lipunang sosyalista ang pribadong apropriyasyon at anarkiya sa produksyon. Winawakasan ang monopolyo at pagsasamantala sa iilan habang inilalatag ang kondisyon para sa tuluyang pagpawi sa uri.

Sa bawat pagputok ng krisis at pagtindi ng mga tunggalian sa kapitalismo, lumalakas ang mga pakikibakang anti-imperyalista at mga kilusan para sa pambansang paglaya. Tungkulin ng lahat ng aping mamamayan, lalo sa panahon ng papatinding krisis ng imperyalismo, ang ilantad ang kabulukan nito at magpunyagi sa pakikibaka laban dito.

Sa Pilipinas, kinakailangan ang ibayong pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba. Kabilang sa programa ng pakikibakang ito ang pagwawakas sa dayuhang kontrol sa ekonomiya, pulitika, kultura at ugnayang panlabas ng bansa. Layunin din nito ang pambansang industriyalisasyon at tunay na repormang agraryo. Ito lamang ang magtitiyak sa kumprehensibong pag-unlad ng bayan na tumutugon sa pangangailangan ng mayorya sa halip na sa dayuhan at iilan.

Sa kagyat,  kailangang labanan ang pagtatangka ng mga imperyalista at lokal  na naghaharing-uri  na ipapasan sa balikat  ng  mamamayan ang buong bigat ng kasalukuyang krisis.  Dapat palakasin ang ating pakikibaka para sa economic relief measures tulad ng pagbasura sa RVAT sa langis, P125 across the board wage increase, mas malaking badyet para sa batayang serbisyo, suspensyon sa pagbabayad ng utang panlabas, at iba pang demokratikong kahilingan ng mamamayan.  Kailangan din nating pahigpitin ang ating pakikipagkaisa sa mamamayan ng ibang bansa na nakikibaka din sa pananalasa ng imperyalismo.

Tanging sa pagsusulong ng pakikibakang ito makaka-asa ang mamamayan ng isang lipunang tunay na masagana at makatarungan para sa lahat. ###

Sanggunian:

Ecumenical Institute for Labor and Industrial Relations (EILER), Hinggil sa Pandaigdigang Krisis Pampinansya, September 2008;

Foster, John Bellamy, The Financialization of Capital and the Crisis, Monthly Review, http://monthlyreview.org/080401foster.php, April 2008;

Lotta, Raymond, Financial Meltdown and the Madness of Imperialism, http://www.countercurrents.org/lotta260908.htm, September 2008;

Villegas, Edberto, The Political Economy of the Current (2008) Capitalist Financial Crisis, http://bulatlat.com/main/2008/09/27/the-political-economy-of-the-current-2008-capitalist-financial-crisis/, September 2008;

Lenin, V.I. Imperialism, the Highest Stage of Capitalism, 1917

Sison, Jose Maria, The Policy of “Neoliberal” Globalization and Worsening Economic Crisis in the Philippines, http://www.lfs.ph/2008/09/10/the-policy-of-neoliberal-globalization-and-worsening-economic-crisis-in-the-philippines/, September 2008;

IBON Foundation, On the global economic and financial crisis, http://www.lfs.ph/2008/09/20/on-the-global-economic-and-financial-crisis/, June 2008

The Policy of “Neoliberal” Globalization and Worsening Economic Crisis in the Philippines
THE POLICY OF “NEOLIBERAL” GLOBALIZATION

AND WORSENING ECONOMIC CRISIS IN THE PHILIPPINES

By Prof. Jose Maria Sison

Founding Chairman, Kabataang Makabayan

September 11, 2008

Download .doc version: “Neoliberal” Globalization JMS

Thank you for inviting me to speak on the policy of “neoliberal” globalization and the worsening economic crisis in the Philippines on the occasion of the 31st anniversary of the founding of the League of Filipino Students (LFS).  I congratulate the LFS in Baguio City for its achievements. I  appreciate the cooperation of the LFS with the Anakbayan,  UP Baguio-University Student Council, the Nationalist Corps and the Politically Inclined Students in bringing about this important forum.

“Neoliberal” Globalization

First of all, let me explain what the policy of “neoliberal” globalization is all about. It is a policy of deception, misrepresenting monopoly capitalism as “free market” capitalism.  It has been adopted since 1980 supposedly to solve the problem of stagflation, the phenomenon of stagnation and inflation going together and the vicious cycle whereby the attempt to solve either one of them aggravates the other.

In pushing the policy, Reagan and Thatcher identified Keynesian and social democratic state intervention as the root cause of stagflation for generating wage inflation and “excessive” social spending. They therefore espoused giving full play to the “free market” and giving the monopoly bourgeoisie and the giant corporations all the opportunities to raise capital resources, make profits without restrictions and get big tax cuts supposedly to develop the economy, generate jobs and make the working people less “dependent” on government.

To achieve the “neoliberal” or “free market” objective,  the imperialist states headed by the US have launched an unrelenting attack on the hard won rights of the working class to job security, trade union organization and social benefits.  Wage levels have been pushed down. Full-time regular jobs have been replaced to a great extent by part-time jobs. Indirect wages as may be in the form of social insurance, medical insurance,  educational benefits and social services have been cut back or cut off.  The real incomes of the working class have relentlessly fallen.

However, the “neoliberal” policy has given the multinational banks and firms of the monopoly bourgeoisie all the opportunities to accumulate capital and reap profits through the liberalization of investments and trade, the privatization of state functions and assets, the deregulation at the expense of the working people, women, children and the environment and the denationalization of the economies of underdeveloped countries.

According to the “neoliberals” or “free marketeers”, it is wrong to use the direct hand of the state for pursuing economic development and ensuring social welfare.  But it is perfectly correct to hand out state resources, state contracts, subsidies, investment insurance and tax exemptions to the giant corporations and likewise to engage in accelerated military spending.  No to social welfare but yes to corporate welfare. No to social spending but yes to military spending.

The “neoliberals” have missed the essential point about the problem of stagflation. When it arose in the 1970s, it was because Germany and Japan, which had been ruined in World War II, had reconstructed under the Marshall plan and all imperialist powers were once more caught up in a serious crisis of overproduction as a result of competition and profit-making at the expense of the workers. All capitalist economies were pressing down the wage levels in order to maximize profits and counter the falling rate of profits in the course of expanding production.  At the same time,  the US led the way in undertaking inflationary activities, including the profuse flow of US dollars abroad,  the global deployment of US military forces and the war of aggression in Indochina.

The crisis of overproduction is consistently at the base of the crisis of the US and world capitalist system.  By pushing down wages to maximize profits, the monopoly bourgeoisie unwittingly contracts the market for the products of expanding production.  The crisis of overproduction becomes conspicuous when large stocks of goods cannot be sold, production has to be cut down and workers are laid off.

From decade to decade, since the late 1960s, the crisis of overproduction has become worse, with the problems of unemployment and inflation becoming more sticky and the growth rates actually stagnant.  But since the official adoption of the “neoliberal” policy, the trick to conceal the economic problems has been to increase the money supply and make credit easy for the giant corporations and for the consumers in the huge American market.  As a result,  we now see  a gigantic financial crisis generated by the US.

The US has lived off the people of the world by abusing confidence in the US dollar as global currency.  It has gone into industrial decline by heavily importing consumer goods from East Asia.  It has incurred trade deficits and has become the world’s biggest debtor.  It has also gone into heavy budgetary deficits and domestic debt by rapidly increasing expenditures for military production contracts and global deployment of military forces, especially in Iraq and Afghanistan.

It is not only the US federal government that is heavily indebted but also the giant corporations and households. All of them are unable to pay their debts and are the major factor in the current financial crisis afflicting not only the US economy but the entire world economy.  Twice have the US households been victimized in a big way since 1995 through credit and financial manipulations.

First, fund managers invested the pension funds of US workers on the hightech bubble which lasted until it burst in 2000.  US households were enticed to purchase stocks on margin.  At least 40 per cent of  them did so.  Subsequently, in a more sweeping way, US households were encouraged to buy on credit into the housing bubble which began to burst in 2006.  The “neoliberal” policy makers and managers of the US economy had devised the housing bubble to provide US households  an artificial source of further credit for consumption, keeping up their role as the biggest consumer market of the world despite the decline of industry and regular employment in the US.

But the US mortgage meltdown, which has become conspicuous since last year, has exposed not only the wobbly US financial system but also the financial plague the US had spread all over the world. The US banks and hedge funds, in concert with the Fannie May (Federal National Mortgage Association) and Freddie Mac (Federal Home Loan Mortgage Association), the two biggest state-backed mortgage banks,  had repackaged the bad mortgages into collateralized mortgage debts and asset-backed securities and sold them to the biggest banks in various countries.  Not only is the mortgage meltdown exposed but  the whole range of economic and financial crisis in the US and in the world.

The current financial crisis, which is the worst since the Great Depression, has resulted in the tightening of credit, economic recession in the imperialist countries and depression on a world scale.  The underdeveloped countries are victimized by the tightening of credit and decreased orders from the imperialist countries for raw materials and semi-manufactures.

Despite global economic depression, some sectors in imperialist countries have found ways of raking in superprofits and conjuring the illusion of positive growth rates in imperialist countries and even on a global scale.  They are the giant corporations in fuel and food, which are the most basic necessities of all countries.  They are inflicting terrible and intolerable suffering on the people of the world, especially those in the underdeveloped countries.

Impact on the Philippines

As a semi-colonial and semi-feudal country, under foreign and feudal domination, the Philippines has an inherently and chronically crisis-stricken economy and society.  The only way it can end the underdeveloped, agrarian, pre-industrial and semifeudal character of the economy is to undertake national industrialization and land reform.  These were previously prevented by the World Bank-sponsored  Keynesian fiscal policy of  promoting infrastructure-building to serve raw material production and commerce.

The  current “neoliberal”  globalization policy of denationalization, liberalization, privatization and deregulation has been far more aggressive in preventing industrial development and land reform.  Under this policy, the Philippine economy has become more deeply underdeveloped and more rotten than before and become more vulnerable to the worsening crisis of the world capitalist system.

The “neoliberal” policy is imposed on the Philippines by the US through its puppets. It expressly prohibits the leaders of the reactionary government from upholding the key role of the state in mobilizing the people and economic resources for national industrialization and land reform.  These twin objectives are supposed to be decided by the market rather than by the state and the people. Under the influence of “neoliberalism”, puppet leaders in the Philippines talk more often about the “free market” than “development” as state-supported industrial development.

The  expression “free market” is actually used to mean leveling the field of competition with the bulldozers of the foreign monopolies and flattening the people to the ground.  The expression “development” is limited to mean infrastructure-building with the use of onerous foreign loans and foreign supplies as in the time of the Marcos regime.  None of the succeeding regimes since that of Aquino, which hyped trade liberalization, have paid even the slightest lip service to a well-founded and comprehensive industrial development, through the cooperation of the state and the Filipino entrepreneurs.

The 1987 constitution of the reactionary state has reduced land reform to a “free market” transaction, with the landlord selling his land voluntarily, demanding current market value or offering the stock distribution option.  The principle of state intervention in order to realize social justice, such as the expropriation of landlord estates for  affordable redistribution to the tenants, has been laid aside.  The  landless tillers are given the cynical advice that if they wish to own land they are free to buy even a piece of Forbes Park or buy stocks from Hacienda Luisita of Cory Aquino or from any of the many agricultural corporations of her cousin Danding Cojuangco.

Under the Ramos regime, the so-called medium term development program did not provide for national industrialization and land reform.  But it pushed for the denationalization of the economy to benefit  the foreign monopolies and big compradors. It violated the principles of economic sovereignty and conservation of the national patrimony. It removed the restrictions on foreign investors in banking, mining, agriculture, domestic trade and other types of enterprises. It allowed the unrestricted flow of foreign capital in and out of the country and the big comprador exporters of raw materials to stash away foreign exchange abroad. It ran far ahead of the schedule set by the WTO for lowering the tariff on all types of products.

The reactionary government incurred huge local public debt and foreign debt for infrastructure, especially in graft-ridden power generation projects conceded to foreign companies. It went into a privatization spree, selling off state assets and prime public land to foreign investors in order to cover trade and fiscal deficits. It created a boom in the private construction of office and residential towers and golf courses with the use of foreign commercial loans and favored the expansion of low value-added semimanufacturing of consumer goods under the auspices of giant corporations and big comprador firms, whose foreign debts are guaranteed by the state.

The financial crisis of 1997 brought down the Ramos regime’s claims to economic success.  By the time Estrada became president, the reactionary government had gone bankrupt and foreign credit dried up to the extent that he was compelled to serve his corrupt appetite by taking payoffs from jueteng and using social security funds of government and private employees for the shadiest of deals.  He was reduced to begging for infrastructure loans from Japan, which wanted to extract excessive trade and investment privileges.

When the turn of Arroyo came, she renewed the orgy of local and foreign borrowing and the frenzy of implementing the “neoliberal” economic policy which she had strongly pushed as a senator.  The imperialists were pushing another wave of easy credit in accordance with the “neoliberal” dictum that economic and financial problems are solved by scooping  money from the central bank into helicopters for these to pour out on the problem.

Under the “neoliberal” economic policy, the semicolonial and semifeudal character of the Philippines has been aggravated and deepened due to the absence of national industrialization and land reform, the unrestricted freedom of the foreign monopolies to dump their surplus products and to extract superprofits, the ceaseless landlord and corporate accumulation of land, bureaucratic corruption, the limitation on the country to produce for export only raw materials and slightly processed goods, the ever growing trade and fiscal deficits and the ever mounting foreign debt.

Like the Ramos regime, the Arroyo regime has been strenuously  insistent on the denationalization of the economy.  It has made so many attempts to have the 1987 constitution amended so that nationality requirements and restrictions on foreign investors can be removed from the economic provisions.  At any rate, it has pushed further legislation as well as multilateral and bilateral treaties and executive agreements to promote investment and trade liberalization in favor of foreign investors to the detriment of economic sovereignty, the national patrimony, the working people and the environment.

It has allowed the dumping of foreign surplus manufactures and agricultural products on the country and has thereby undermined and destroyed the domestic production of these.  It has continued the privatization of state assets and public lands.  These have been sold to foreign corporations and to cronies.  Laws seeking to protect the workers, women, children and the environment have been eroded or circumvented in the “neoliberal” spirit of deregulation for the profit-taking purposes of foreign monopolies and the big compradors.

The Arroyo regime has gone into unbridled deficit spending and foreign and local borrowing, mainly  for the purpose of profit-taking by the imperialists and the big compradors, bureaucratic corruption and upper class consumption.  Statistics of these go into the absurd game of conjuring the illusion of an annual economic growth rate.  Counterproductive activities and borrowings which bankrupt the state and the economy are misrepresented as factors of development.  Even as the economy is bankrupt and depressed, the Arroyo regime is giving top priority to  servicing the foreign debt and is raising the tax burden on the people.

The Arroyo regime is overbrimming with loyalty to its imperialist masters. But now it is faced with the severe problems generated by the crisis of the US and world  capitalist system.  International credit has tightened.  Foreign orders for raw materials and consumer semi-manufactures have decreased.  To make matters worse, the prices of fuel and food imports are soaring.  The giant oil and food companies have fabricated the media tales of fuel and food shortages in order to make a big killing in the “free market.”

The  regime does nothing to restrain the foreign monopolies from ceaselessly hiking the oil price and inflating the prices of all basic commodities.  For so long under the policy of trade liberalization, it has allowed the dumping of rice from abroad and has thus destroyed local rice production.  It has made the Philippines the No. 1 rice importer of the world.  It has also been utterly stupid in failing to build its reserve rice stocks and thus in having to buy rice from the world market when the prices are soaring.

Tasks of  Filipino Students

The Philippine economy and society are plunging from one level of crisis and depression to another.

The Filipino students are suffering the rapidly rising costs of study and living and need to cope with so many problems arising from the oppression and exploitation of the entire people by foreign monopoly capitalism, domestic feudalism and bureaucrat capitalism.

It is of urgent and great importance for the League of Filipino Students and all other patriotic and progressive youth organizations to arouse, organize and mobilize the student masses in their millions. You must unite and fight  against “neoliberal” globalization and all other inimical policies of imperialism and local reaction.  These are detrimental to you as students and youth because you now face not only the current rising costs of study and living but also the dire prospects of unemployment in an increasingly crisis-stricken and rotten ruling system.

You must also fight the US-instigated war of terror. This has taken the form of state terrorism and direct US military intervention in the Philippines and the US wars of aggression in Iraq, Afghanistan and elsewhere.  The violence that the US has unleashed all over the world is aimed at forcing the people to submit themselves to exploitation. It is the complement to “neoliberal” globalization.  US imperialism is behind the gross and systematic violation of human rights by the Arroyo regime and its armed minions.  We can expect the escalation of exploitation and oppression,  under the US-instigated policy of “free market” globalization and  the US global war of terror.

You must conjoin with the broad masses of  the Filipino people in the struggle for national liberation and democracy against US imperialism and the local exploiting classes.  You must carry out all possible and necessary forms of struggle to advance the revolutionary cause.  We can prepare for and proceed to the socialist  revolution only by completing the new democratic revolution, by victoriously finishing the unfinished Philippine revolution initiated by our revolutionary forefathers.  The people have high hopes in the Filipino youth as a resolute and militant force for revolutionary change.###

Share now!

Atin ang Lakas, Tayo ang Pag-asa! Kabataan, Sumanib sa Masa! Isulong ang Pambansa Demokratikong Pakikibaka!
Atin ang Lakas, Tayo ang Pag-asa! Kabataan, Sumanib sa Masa! Isulong ang Pambansa Demokratikong Pakikibaka!

September 11, 2008

Vencer Crisostomo

Pambansang Tagapangulo, League of Filipino Students

Download .doc version: LFS 31st Anniversary Statement

Pinakamainit na pagbati at pinakamataas na pagpupugay ang ipinaaabot ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap sa mga lider at kasapi ng League of Filipino Students sa buong bayan sa araw na ito ng ika-31 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng LFS.

Pinagpupugayan natin ang lahat ng mga naging kabahagi ng LFS sa magiting nitong pagtahak sa landas ng militanteng paglaban mula nang ito ay itatag noong 1977, sa gitna ng panunupil at pagsasamantala ng diktaduryang US-Marcos.

Ngayong araw ay marapat na magdiwang hindi lamang ang mga kasapi at naging mga kasapi ng LFS kundi ang mga kabataan at mag-aaral, at gayundin, ang buong bayang inaapi at pnagsasamantalahan. Marapat magdiwang ang lahat ng mga nag-aasam ng tunay na pagbabagong panlipunan at mas maaliwalas na kinabukasan, pagkat isinilang sa petsa na ito ang organisasyong simula ng kanyang pagkakatatag ay magiting na humarap sa hamon ng buong pusong paglilingkod sa masang api at makabuluhang pagbabagong panlipunan.

Mga kasama at kaibigan, tayo ay nasa napakadilim na bahagi ng ating kasaysayan. Nasa rurok ang krisis pangkabuhayan ng mamamayan, napakatindi ng kahirapan, libo-libo ang nagiging biktima ng papatinding digmang pakana ng imperyalista, at patuloy ang pagmamaniobra ng rehimeng Arroyo para higit na pahirapan ang taumbayan at makapanatili sa pwesto.

At sa panahong ito, sa panahon ng pinakamasahol na kalagayan ng ating bayan, pilit tayong pinaniniwala ng mga mapagsamantala na wala nang pag-asa. Pilit itinuturo sa mga kabataan at mag-aaral na wala nang kinabukasan, na wala nang daan para sa pagbabago, na dapat ang kabataan at taumbayan ay magtiis na lamang at magpatuloy na maging alipin sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan.

Sa ginta ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at paglubog ng marami sa higit na kahirapan, dapat daw ay makontento na lamang tayo sa pagtitiis at mga kasinungalingan. Hindi na baleng kitang-kita na iilan lang ang nakararamdan ng sinsabing kaunlaran.

Papatindi ang pagkakait sa mga batayang karapatan sa kabataan at taumbayan. Sinasabi sa ating isuko na lamang ang mga ito at hayaang higit pa nila tayong alipustahin.

Sinasalakay tayo ng papatinding pakanang giyera ng imperyalista kasabwat ang tutang rehimeng Arroyo. Sinasabi nilang dapat na lamang tayong sumuko, pumayag sa kanilang kahayupan, tumayo sa isang tabi habang pinapatay ang ating mga kababayan at inaangkin ang yamang dapat ay sa atin.

Atin ang kinabukasan. Pero ang kinabukasang ibinibigay nila sa atin ay isang kinabukasang mas masahol pa sa kasalukuyan, mas lugmok kaysa lagay natin ngayon. Aangkinin ba natin ang kinabukasang inaalok ng mga naghahari-harian? Hindi kailanman.

May puwang ba sila para maniwala sa kalokohang kanilang binubulalas na susuko at mawawalan ng pag-asa ang kabataan at taumbayan? Malinaw na wala.

Dahil pinatutunayan ng kasaysayan na hindi kailanman susuko ang mga kabataan at mamamayan sa paglaban sa mapang-aping sistemang panlipunan. Hindi kailanman titigil ang taumbayan sa paglaban. Tiyak na yayakapin ng mamamayan ang pakikibaka at iwawagayway ang bandila ng kalayaan at demokrasya.

Maaari nilang lokohin ang iilan sa ilang pagkakataon, ngunit hindi lahat sa lahat ng panahon.  Darating ang araw na ang maloloko na lamang nila ay ang kanilang mga sarili.

Ang tatlumpu’t isang taon ng LFS ay tanda ng magiting na paninindigan ng kabataan at mag-aaral para sa interes ng taumbayan at para sa pagbabagong panlipunan. Sa panahon ng karimlan ng Batas Militar noong 1977, pinangahasan natin na buklurin ang masang mag-aaral sa isang liga at pangunahan ang libo-libong kabataan sa pag-aalay ng talino, lakas at galing para sa masa.

Simula ng ating pagkakatatag, malinaw ang ating pagsusuri sa lipunan at ang papel ng kilusang kabataan. Ang kawastuhan ng ating linyang pampulitika, malalim na pag-aaral, at matinding pagkakaisa ang nagbitbit sa atin upang makapagkamit ng mga tagumpay at tuloy-tuloy na pagsulong at paglakas.

Ang pagsusuri natin sa katangian ng lipunang malakonlonyal at mala-pyudal, ang pagtukoy natin sa ugat ng kahirapan: Imperyalismo, Burukrata Kapitalismo, Pyudalismo at ang patuloy nating pagmumulat sa linya at programa ng Pambansang Demokrasya na may Sosyalistang Perspektiba ang sandigan ng ating tuloy-tuloy na pagmumulat, pag-oorganisa at pagkilos.

Alam natin na para maging tunay na mga pag-asa ng bayan, at para magkaroon ng tunay na lakas ang kilusang kabataan, dapat itong sumanib sa batayang masa, sa manggagawa at magsasaka at makipagkapit-bisig sa kanilang pakikibaka.

Pinanday na tayo ng karanasan at natuto sa mga pagkakamali, matagumpay nating iwinaksi ang mga maling kaisipan, pamamaraan at mga pakana para sirain ang pagkakaisa at pahinain ang kilusan ng kabataan at bayan.

Iginiit natin ang karapatan ng mamamayan sa edukasyon at nilabanan ang paniniil sa kampus. Itinulak natin ang kilusang masang nagpabagsak sa diktadurang US-Marcos at sa paglao’y sa korap at papet na rehimeng US-Estrada. Nilabanan natin ang Base Militar ng Estados Unidos at matalas na inilantad ang Imperyalismo bilang ugat ng kahirapan. Iminulat natin ang libo-libong mamamayan sa landas ng isang lipunan at kinabukasang tunay na malaya at pantay-pantay. Dahil sa mga ito at sa marami pang manininingning na tagumpay, dapat lamang tayong magdiwang at kasama ang buong sambayanang nagnanais ng pagbabago sa okasyong ito ng ika-31 nating anibersaryo.

Palakpakan natin ang ating mga lider balangay, ang mga kasalakuyang mga kasaping walang kasingsigasig at kasingtatag sa paninidigan. Ating pagpugayan ang mga nauna sa atin, ang ating alumni at mga kaibigang naging kabahagi ng kasaysayan ng LFS, at naghawan ng landas para sa kasalukuyang henerasyon.

Ngunit higit sa lahat, pinakamataas na pagpupugay, at pinakamalakas na palakpakan ang ating ialay para sa lahat ng mga martir ng kilusang kabataan na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa sambayanan, mula sa pag-oorganisa sa kalunsuran hanggang sa magiting na pag-aalay ng buhay para sa armadong paglaban sa kanayunan. Utang natin sa kanila ang kasalukuyang organisasyon at sila ang ating inspirasyon sa higit pang pagpupunyagi at tuloy-tuloy na paglaban.

Sa kasalukuyan pang pagsahol ng krisis at pagsasamantala, natitiyak nating lalong titindi ang paglaban ng kabataan at bayan. Ating ipapahiya ang mga nagmamaliit sa kilusan ng kabataan at mamamayan. Mangangamba ang mga naghaharing desperado sa pangangayukapit sa kapangyarihan. Sa pangunguna ng LFS, tiyak na mas marami pang mga kabataan ang titindig at aangkin sa isang kinabukasang tunay na malaya at masagana para sa bayan at masa.

Ipapamandila natin sa buong bayan na sa ating paglubog at paglilingkod sa batayang masa, nasa ating pagkakaisa ang lakas. At sa sama-samang pagkilos para sa pambansang demokrasya, tunay na tayo ang pag-asa. Imulat natin ang mga kabataang naghahanap ng direksyon at mga kababayang handang lumaban sa wastong landas ng pambansa demokratikong rebolusyon.

Buuin natin ang daan-daang mga bagong balangay sa buong bayan at magpunyagi sa pagmumulat, pag-oorganisa at pagpapakilos. Padagundungin natin ang panawagang “Mag-aral, Maglingkod at Makibaka!” sa mga paaralan at unibersidad. Samahan natin ang masang manggagawa at magsasaka sa kanilang laban para sa karapatan at pagbabagsak ng lipunang mapang-api. Iwaksi natin ang ating mga kahinaan at itaguyod ang simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka.

Magbibigay pag-asa ang tula ni Ka Amado V. Hernandez:

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,

May araw ding di na luha sa mata mong namumugto

Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,

Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;

Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo

At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!

Mga kasama, tiyak ang araw ng pagtatagumpay. Babagsak ang paghahari ng iilang tuta at mapagsamantalang dayuhan. Mananagot sa taumbayan ang mga pasista at kriminal na nasa puwesto. Dadagundong ang kilusan mula sa mga rebolusyunaryong base sa kanayunan hanggang kalunsuran at ititindig ang isang bayang tunay na malaya at masagana hanggang sa ganap na pagkapantay-pantay.

Atin ang lakas, tayo ang pag-asa! Kabataan, maglingkod sa masa!

Ibagsak ang rehimeng US-Arroyo! Isulong hanggang tagumpay ang Pambansa Demokratikong Rebolusyon!

Mabuhay ang ika-31st anibersaryo ng League of Filipino Students! #

Share now!

JMS on LFS 31st: A Time of Crisis, A Time for Militancy
A TIME OF CRISIS, A TIME FOR MILITANCY

Message to the League of Filipino Students

on the Occasion of Its 31st Founding Anniversary

By Prof. Jose Maria Sison

Founding Chairman, Kabataang Makabayan

Chairperson, International League of Peoples’ Struggle

September 11, 2008

Download Word Doc here: Message to LFS 31st Anniversary

Listen to Podcast here: Jose Maria Sison Podcast

As one who has long been in solidarity with you, I wish to express most heartfelt greetings on the occasion of the 31st founding anniversary of the League of Filipino Students (LFS). I also wish to congratulate you for the achievements that you have made in the year past, adding to the accumulation of successes of the LFS since its foundation.  I urge you to move forward and achieve greater victories.

Crisis At Home and in the World

A semi-colonial and semifeudal society such as that of the Philippines is chronically crisis-stricken because of the extreme exploitation and oppression wrought by foreign monopoly capitalism, domestic feudalism and bureaucrat capitalism. But the ceaseless crisis has plunged to a new depth of aggravation as a result of the utter bankruptcy of the policy of “neoliberal” globalization and the current wave of economic and financial crisis. This has spread  from the US to the entire world, wreaking the most havoc in underdeveloped countries like the Philippines.

US imperialism has imposed on our people not only the policy of “neoliberal” globalization but also that of permanent and preemptive global war of terror under the pretext of combating terrorism. This is aimed at  favoring monopoly capital and suppressing the people’s resistance. It is directed mainly against the national liberation movements, anti-imperialist mass movements, progressive forces and leaders, and countries that assert national independence. The Filipino people are experiencing the brutality of state terrorism and US military intervention and are witnessing the US wars of aggression and the rise of fascism on a global scale.

The Arroyo puppet regime is accountable for treasonously carrying out imperialist orders and for escalating the exploitation and oppression of the Filipino people.  It is culpable for the rising rate of unemployment, the loss of income for the working people, the soaring costs of basic necessities, the intolerable rise of study and living costs for students, and the deterioration of an already niggardly social services. It is culpable for the gross and systematic violations of human rights in both urban and rural areas. It has brutally victimized the working people and middle social strata.

LFS Tradition of Militancy

This is a time of grave crisis.  It is a time for militancy. You are challenged to act in defense of the rights and interests of the student sector and inextricably those of the entire Filipino people against the oppressors and exploiters, chiefly represented by the US-directed Arroyo regime.  You are called upon to move in accordance with your organization’s founding principles and tradition of militant struggle along the general line of national liberation and democracy against the the three monsters that afflict our people.

The LFS was founded in 1977 when the Marcos fascist dictatorship was at the peak of its power. It was not all discouraged by the combination of state terrorism and the heavy flow of foreign loans for many graft-ridden infrastructure projects. In exchange for US support,  Marcos gave free reign to foreign investments and the US military bases.  But despite cruel suppression of the student movement and other mass movements, the LFS was established precisely because of the need to wage militant struggle against the intolerable oppression and exploitation inflicted on the students and the broad masses of the people.

I was deeply pleased with the founding of LFS. This was a clear manifestation of the irrepressible desire of the students and the people to free themselves from the Marcos fascist dictatorship and the entire US-controlled ruling system of big compradors, landlords and bureaucrat capitalists.  When I was under military detention from November 1977 onwards, I was always happy to hear news of  the growth, statements and militant actions of the LFS. These were a major source of inspiration and confidence for me. They assured me that ultimately the people would overthrow the Marcos fascist dictatorship.

Key Role of LFS in the Youth Movement

Again and again it has been proven in history that at every time of grave crisis students have stood up and stood out in response to the need for militant struggle and revolutionary action.  We can recall the young students in the Propaganda Movement and the Revolution against Spanish colonialism and then against US imperialism, in the recurrent efforts to resume the unfinished Philippine revolution, in the patriotic war of resistance against the Japanese occupation, in the resumption of the Philippine revolution in our own time, in the successful overthrow of the Marcos fascist dictatorship and in the continuous  mass struggles of the Filipino people against every puppet regime and the entire unjust social system.

The LFS can play a key role in arousing, organizing and mobilizing the student masses and in linking with the youth from the working class, peasantry, urban poor and  the professions and in generating a powerful comprehensive youth movement. Consequently, you can encourage and conjoin with the broad masses of the people in fighting the system of oppression and exploitation and isolating and defeating the Arroyo regime, which is now the chief marionette of US imperialism and the chief representative of the local exploiting classes.

The LFS has certain advantages in its field of mass work.  The students have the ability to grasp patriotic and progressive ideas easily as soon as you can draw them to sessions of serious study.  They can be convinced to join the LFS on the basis  of the LFS constitution and program.  They constitute that sector of society which is most ready to protest and make demands.  They do not have as much fixed preoccupations as their elders.  They have the flexibility to move  around and draw their fellow students to a common cause. They can be  motivated and militated. They  have  the intelligence and energy to act.

Tasks of the LFS

You can expect to win greater victories in the struggle to uphold, defend and advance the rights and interests of the student masses and those of the entire Filipino people only if you are clear about your tasks of arousing, organizing and mobilizing the student masses and you are determined to carry them out along the general line of people’s struggle for national liberation and democracy against the Arroyo regime and the entire ruling system.

1.  Educational Task. The LFS must arouse the student masses along the general line of struggle for national liberation and democracy against US imperialism and the local exploiting classes. It must do so through agitational speeches on the burning issues  in indoor and outdoor meetings as well as  the big marches and rallies.  It must issue written statements and articles and encourage discussions on the issues.  It must use wall slogans, posters, murals, songs, dances, poems and other forms of cultural work.  It must run schools of national democracy in chapters that exist and those to be established.  The basic course must be simple, easy to learn and designed to be accomplished in a single weekend for every batch of students. Copies of study materials and lists of references for the basic, intermediate and advanced courses must be made available not only for the purpose of formal study courses but also for the purpose of individual and collective reading and study within the chapters and other units of work.

2. Organizational Task. The LFS must swear in as a member any applicant who accepts the LFS Constitution and Program and is willing to take the basic course of study and become active in the work of a chapter or any LFS work unit.  LFS chapters must be established at various levels: university, college and department. They must likewise be established in high schools.  High school students should not be underestimated. The LFS must open itself to all students who take a patriotic and progressive stand on issues.  Solid mass organizing must be proven by the number of active chapters and their members.  Only on the basis of these can the LFS build a strong organization at all levels: city or town, district, province, region and the entire country.

3. Task of Mass Mobilization. The LFS must use its organized strength to drum up the issues and to attract and mobilize the student masses.  It must explain the issues in mass meetings, in classrooms and in school lobbies and corridors and call on the student masses to participate in carrying out the various aspects of a mass campaign.  Moreover, it must seek and develop alliances with other student organizations, with the faculty members and with the non-academic employees in order to amplify and further strengthen its ability to mobilize the student masses.  The mass campaigns must raise the patriotic and progressive consciousness of the students and must encourage more students to join the LFS and support the alliances of the LFS on the campus.

On Ousting the Arroyo Regime

For several years already,  the LFS has been aiming to cause the ouster of  the Arroyo regime.  You can succeed by carrying out the aforesaid tasks.  You have the accumulated experience and strength upon which to launch your efforts to mobilize the student masses.  The LFS was in the forefront in putting away the barbed wire barricades on Mendiola and pressing on the gates of the presidential palace during the ouster of Marcos in 1986.  Once more the LFS  spearheaded  the tens of thousands of students that marched from Edsa to the presidential palace during the ouster of Estrada in 2001.

You can set as your objective in the national capital region the mobilization of the student masses to occupy the streets in the University Belt and choke the presidential palace.    You can also set as your objective in the provinces the massing of students in front of provincial capitols, city halls and municipal halls to support the central action in Manila and to demonstrate the people’s  repudiation of the Arroyo regime throughout the country.  The broad masses of the people will certainly join the student masses when they succeed in launching gigantic protest actions.

But whether you succeed or not in ousting Arroyo before 2010, you stand to gain strength by striving to do so.  More struggles lie further ahead to advance the just cause of national liberation and democracy against the rotten and crisis-stricken ruling system.  By its shameless puppetry,  exploitativeness, corruption and brutality, the Arroyo regime has aggravated the rottenness and crisis of this system.

Despite expending great amounts of resources for the reactionary armed forces  and the gross and systematic violations of human rights under Oplan Bantay Laya 1 and 2, the Arroyo regime has clearly failed to destroy or debilitate the legal democratic mass movement and the armed revolutionary movement. On the contrary, it has driven the Filipino people to raise their fighting will and capabilities to wage all forms of resistance against the unjust ruling system.

Under the current circumstances, the League of Filipino Students is required to raise to a new and higher level its resolve and militant efforts to arouse, organize and mobilize the student masses in universities, colleges, institutes and high schools against US imperialism and the worst of the reactionaries in power.###

Share now!

Biguin ang panibagong pakanang Cha-cha!
Sa sakim na pagnanais na makapanatilisa kapangyarihan lagpas ng 2010, kinasangkapan ni Arroyo ang usapang pangkapayapaan ng GRP at MILF para sa sarili nitong interes sa pakanang Charter Change.

Duguan ang kamay ni Arroyo at ng US, kapwa may pakana ng pagmamaniobra ng usapang pangkapayapaan para sa interes ng higit na pagsasamantala sa mamamayan, sa kasalukuyang pagtindi ng digma sa Mindanao.

Narito ang isang gabay-talakayan na inilabas ng iba’t ibang mga organisasyon.

Download .doc: Briefer on the regime’s revival of the chacha

Gabay sa pagtalakay sa muling pagmamaniobra ni Arroyo para sa pakanang charter change

Agosto 2008

Maikling kronolohiya at background (pagbaybay ng maniobra mula MOA tungong Cha-cha)

Hulyo 28 – Idineklara ni Executive Secretary Ermita ang muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP matapos magpirmahan ang mga kinatawan ng dalawang panel sa Malaysia ng isang joint communiqué hinggil sa isyu ng ancestral domain.

(Naantala ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng MILF at GRP noong Hulyo 25 nang mag-walkout ang mga kinatawan ng MILF matapos tangkaing repasuhin ng GRP ang dalawang settled issues (napagpasyahan nang isyu) na nilalaman ng panukalang MOA para sa ancestral domain.)

Dito unang itinakda ang pirmahan para sa isang memorandum of agreement on ancestral domain para sa mamamayang Moro na magpapanukalang palawagin ng 700 pang barangay ang teritoryong sinasaklaw ng ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao).  Kasalukuyang sumasakop ang ARMM sa 2,470 barangay sa Marawi City, at 111 munisipalidad sa anim na probinsya – Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi.

Itinakda ang pirmahan ng Agosto 5, sa pamamagitan ng pirmahan ng naturang MOA ay magiging opisyal na ang pagtransporma sa ARMM tungo sa BJE (Bangsamoro Judicial Entity).

Hulyo 30 – Nagsimulang umalma ang mga opisyal at pulitiko na ayaw na maging bahagi ang kanilang mga probinsya ng BJE sa pangunguna ni North Cotabato Rep. Bernardo Pinol Jr. Nagsampa sila ng petisyon sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang ligalidad ng MOA. Dito na rin unang naungkat ang kawalan ng transparency at secrecy ng GRP (bagamat basically ay anti-MILF at anti-MOA ang pusisyon ng mga naturang opisyal).

Hulyo 31 – Umalma na rin ang mga tribal leaders at ilang mga Kristiyano sa Mindanao dahil hindi sila nakonsulta hinggil sa pagsasama ng kanilang mga lupain sa MOA.

Agosto 3 – Idineklara ni Esperon, sa gitna ng lumalawak ng protesta at kontrobersiya dahil sa MOA, na ang nakatakdang pirmahan ay ‘preliminary agreement’ lamang para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan. Sinabi rin niyang ‘lahat ng nakasaad sa MOA ay naaayon sa Konstitusyon.’ Sa puntong ito, matigas pa rin ang Malakanyang sa pagtangging isiwalat sa publiko ang nilalaman ng MOA.

Sa parehong araw, hinikayat ng UNO (United Opposition) ang GRP na huwag munang ituloy ang nakatakdang pirmahan hanggat hindi pa nasasagot ang mga petisyong nakasalang sa Korte Suprema. Anila, tanging ang pag-antala sa pirmahan ang magreresolba sa namumuong tensyon sa Mindanao dulot ng kontrobersyal na MOA.

Sa kabila nito, nagmatigas pa rin ang Malakanyang at inihayag na tuloy na tuloy na ang pirmahan at tanging ang Korte Suprema lamang ang may kapangyarihang maglabas ng TRO (Temporary Restraining Order) para pigilan ito.

Agosto 4 – Naglabas ng TRO ang Korte Suprema upang pigilan ang nakatakdang pagpirma ng MILF at GRP sa MOA.

Matapos nito, idineklara ni Press Secretary Jesus Dureza na kinakailang ng ‘surgical remedies’ sa Konstitusyon upang mapatupad ang mga nakasaad sa MOA. Pero aniya, ‘hindi ito minamadali at pwedeng matapos na lang ang eleksyong 2010,’ bilang tugon sa mga mga kritisismong ginagamit lamang ni Arroyo ang MOA para muling buhayin ang charter change.

Agosto 5 – Napigilan ang nakatakdang pirmahan sa Kuala Lumpur at sumiklab ang labanan sa North Cotabato.

Agosto 11 – Inihayag ni Arroyo ang kaniyang ‘suporta para sa federalism’ bilang resolusyon para sa kapayapaan sa Mindanao. Ito ang unang pahayag ni Arroyo ukol sa federalism mula nang ibasura ng Korte Supema ang ‘People’s Initiative’ para sa cha-cha noong 2006.

Agosto 13 – Malakanyang: All systems go for charter change.

Agosto 14-15 – Naglabas ng mga pahayag ang CBCP, ang oposisyon , mga progresibong party-list, mga grupong pulitikal at maging ilang mga alyado ni Arroyo sa Senado at Kongreso laban sa cha-cha bilang instrumento para sa pagpapapalawig ng termino ni Arroyo.

Side Note: Ano ang ating pagsusuri sa kasalukuyang Mindanao conflict bunsod ng MOA?

Una sa lahat, hindi dapat maliitin ang pa-sikretong paglarga ng GRP sa MOA.Tulad ng ibang mga kontrobersyal na kontrata at kasunduan, pilit nitong itinatago ang nilalaman ng MOA sa publiko sa likod ng Executive Privilege. Hindi ito dumaan sa karampatang konsultasyon at due process na siyang unang pinag-ugatan ng kontrobersiyang bumabalot sa naturang panukala. Hindi malinaw sa simula pa lamang ang motibo partikular sa bahagi ng GRP sa pagpasok sa MOA.

Sa kabilang banda, nirerespeto at kinikilala natin ang matagal nang pakikibaka ng mamamayang Moro para sa kanilang karapatan sa sariling identidad (right to self-determination). Gayunpaman, nananatiling kahina-hinala ang motibo ng GRP. Napatunayan na sa gawi nito sa usapang pangkapayapaan sa pagitan GRP at CPP-NPA-NDF, halimbawa, na wala itong ibang hangad kundi ang pagpapasuko/pag-nyutralisa at kapitulasyon  (cooptation and capitulation) ng kabilang panig sa kabila ng pagpoposturang ‘maka-kapayapaan.’ Muling patunay ang kasalukuyang ‘all out war’ na isinasagawa ng AFP sa Mindanao na hindi sinsero at tuso ang GRP sa usapang pangkapayapaan.

Sa ganang ito, hindi rin matatawaran ang mismong MOA bilang patunay ng ilang taong pakikipagtunggalian ng MILF sa GRP para igiit ang kanilang karapatan. Kaya naman anumang ganansya o tagumpay ng mamamayang Moro para sa kanilang pakikibaka ay ibubunga lamang ng kanilang patuloy na paglaban, armado man o sa usapang pangkapayapaan.

Paano na-maniobra ni Arroyo ang isyu ng MOA signing para muling isulong ang pakanang charter change?

May ilang mga pagsusuri na simula’t sapul ay alam na ng GRP na labag sa Konstitusyon ang mga panukala sa MOA at tiyak na kukuwestiyunin ito ng Korte Suprema. Sa ganitong paraan nakakitaan ng Malakanyang ng pagkakataon na maniobrahin ang isyu ng MOA para muling buhayin ang pakanang charter change.

May mga pagsusuri ring ‘calibrated’ at inaasahan maging ang magiging malakas na pagtutol ng mga kongresista, tribal leaders at ilang mga grupong Kristiyano sa Mindanao na siyang magbubunsod para pumutok ang labanan at kaguluhan sa rehiyon. Sa katunayan, ang muling pagsiklab ng bakbakan sa pagitan ng MILF (na nagdeklara ng ceasefire mula nang muling magbukas ang usapang pangkapayapaan) at AFP ang ginamit na tuntungan ni Arroyo para buhayin ang federalism bilang sagot diumano sa gulo sa Mindanao.

Ang federalism ay iaanak lamang ng pagpalit ng porma ng gobyerno tungong sistemang parlyamentaryo na isa sa mga pangunahing panukala ng matagal nang pakanang cha-cha ni Arroyo.

Ano ang motibo ni Arroyo sa pilit na pagsusulong ng charter change?

Umaalingasaw ang motibong palawigin ni Arroyo ang kanyang termino (term extension) sa pamamagitan ng cha-cha – maaaring sa pamamagitan ng aktwal na pagpapalawig ng term limit o sa pag-assume sa pusisyon ng Punong Ministro sa sistemang parlyamentaryo.

Gayon na lamang ang desperasyon ni Arroyo na manatili sa kapangyarihan dahil mawawalan siya ng immunity kung bababa siya sa pwesto sa 2010. Kapag nangyari ito, tiyak na puputaktihin siya ng kaliwa’t kanang mga kaso at hindi malayong mahatulan at makulong sa dinami-dami ng kanyang mga kasalanan sa mamamayan.

Maging ang federalism ay isang taktika upang kabigin at ligawan ang mga alyado ni Arroyo sa gobyerno. Wala itong ibang hangad kundi konsolidahin ang kapangyarihan kina Arroyo at sa kanyang mga alipores sa Kongreso. Sa federalism, ang mga maka-Arroyong kongresista ay mag-aastang mga ‘little presidents’ sa kanya-kanyang mga probinsya o federal states.

Samantala, kung hindi man cha-cha, maari pa ring maniobrahin ni Arroyo ang kaguluhan sa Mindanao upang mag-invoke ng emergency powers at magdeklara ng martial rule – para pa rin magsilbi sa kanyang desperasyong makapanatili sa pwesto.

Bakit ayaw ng mamamayan sa pakanang charter change ni Arroyo?

Kung pagbabatayan ang nauna nang mga panukalang pagrebisa sa Konstitusyon noong 2006, malinaw na higit na kapangyarihan at pagpapasasa para sa iilan at dayuhan sa isang banda, habang higit namang krisis, pagdurusa at kahirapan para sa mas marami ang hatid ng cha-cha ni Arroyo.

(1)   Sa cha-cha, layon ni Arroyo na lumikha ng isang parlyamentong ala-Marcos, na higit na magkokonsentra ng kapangyarihan sa kanya at sa kanyang mga tuta. Ibabaon nito ang di-resolbadong usapin, isyu at anomalyang kinasasangkutan ni Arroyo at palalawigin ang kanyang pananatili sa pwesto.

(2)  Higit na aatekihin sa cha-cha ang mga kalayaang sibil at mga demokratikong karapatan ng mamamayan. Ang terorismo ng estado na ipinapatupad na sa kasalukuyan ay higit pang lalala sa pagsasatitik sa Konstitusyon ng mga probisyong sa karapatan magpahayag, mag-organisa, magprotesta at lumaban para sa mga batayang karapatan.

(3)  Higit na pangangayupapa sa dayuhan ang kahulugan ng cha-cha. Ibubukas sa higit na pandarambong at pagsasamantala ng imperyalismo ang ating bansa na magdudulot ng higit na pambubusabos at kahirapan. Papahintulutan ang 100 porsyentong pag-aari ng dayuhan sa lupain, likas na yaman at negosyo, at lulubusin ang pribitisasyon at deregulasyon ng gma sebisyo publiko kabilang ang edukasyon.

(4)  Pagbubugaw sa soberenya at kasarinlan ng bayan ang susuhayan ng cha-cha. Ibubukas lalo ng cha-cha ang bansa sa tropang dayuhan, tatanggalin ang pagbabawal sa pagpasok ng armas nukleyar at ibabalik ang base militar.

Kabaliktaran ng propaganda ng Malakanayang, hindi kapayapaan at bagong pag-asa ang idudulot ng cha-cha kundi higit na kahirapan, krisis at pambubusabos na mamamayan. Isa itong komprehensibong atake sa demokratikong karapatan at interes ng taumbayan.

Ayon pa sa NUPL (National Union of People’s Lawyers), kahit na sabihin pa ng Malakanyang na ilang ‘surgical amendments’ lamang ang gagawin sa Konstitusyon,  kapag naipasa at natipon na ang isang constitutional assembly ay wala nang magiging hadlang para tuluyan nang repasuhin ang Konstitusyon. Wala nang tiwala ang mamamayan kay Arroyo at hindi ito naniniwalang tanging ang resolusyon sa gulo sa Mindanao ang interes niya sa pakanang cha-cha.

Nakatakdang pagbotohan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagbuo sa con-ass sa Agosto 25.

Ano ang kamay ng imperyalistang US sa maniobrang ito?

Simula’t sapul ay todo-suporta na ang imperyalistang US sa pakanang cha-cha ni Arroyo. Ang tahasan at walang pakundangang panghihimasok ng imperyalistang US sa Mindanao at sa pagsusulong ng cha-cha ay dapat mariing ilantad, kondenahin at singilin kay Arroyo.

Kahit sa kasalukuyang isyu ng MOA na siyang nagbunsod ng panunumbalik ng pakanang cha-cha, mismong ang USIP (United Stated Institute for Peace), isang proyektong binuo nina US President Bush at Arroyo na siya namang nagtulak at nagpondo sa usapan hinggil sa MOA, ang nagsabi na ‘inaasahan nito ang cha-cha dahil ang ilang mga probisyon sa MOA ay maaring ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema.’

Sa isang banda, kung matuloy ang MOA, walang iba kundi US ang gaganansya. Sa kabila ng mga pahayag ng US na ‘suportado nila ang usapang pangkapayapaan,’ malinaw na hindi layon ng US na matigil ang gulo sa Mindanao para sa kapayapaan kundi  ang siguraduhing may matatag na rehiyong sasalo sa kanyang mga negosyo at tropang military. Kabilang na rito ang $100 milyong off-shore oil exploration sa Sulu ng Exxon Mobil, ang pinakamalaking prodyuser ng langis sa buong mundo. Hindi na rin nakagugulat na sa parehong erya nakatalaga sa kasalukuyan ang mga tropa at basing military ng US sa bansa.

Doble ganansya pa kung maipapasa ang cha-cha. Ang imperyalistang US ang pangunahing makikinabang sakaling mapatupad ang cha-cha sampu ng mga panukala sa ekonomiya at pulitika na tuluyan nang magbubuyangyang sa pambansang patrimonya at soberanya sa imperyalistang pananamantala.

Kailangang higitan ng mamamayan ang paglaban at pagtutol na ipinamalas nito laban sa pakang cha-cha noong 2006. Napatunayan na nating anumang porma at taktika ni Arroyo na ipatupad ang cha-cha ay mapipigilan lamang ng malakas na nagkakaisang paglaban ng mamamayan.

Hindi dapat hayaan ng taumbayan ang pananalasa ng cha-cha sa samabayanan. Kailangan nating puspusang kumilos para ilantad, labanan at biguin ang cha-cha ni Arroyo.

Ilantad at biguin ang pakanang cha-cha!

Patalsikin at singilin si Arroyo!

Share now!